BIG adjustment for Aiko Melendez ang role niya bilang Matadora sa Bagani.
“Nu’ng mga first few days ay nangangapa ako,” pag-amin niya.
“Alam iyan ni Thou Reyes kasi barkada ko siya. I was telling him, ‘bro, baka naman puwedeng paalalay sa set’ kasi nga nahihirapan akong tumawid coming from Wildflower na hard drama.
“Sa fantaserye kasi, ‘yung hitsura ko, dine-glamorize talaga ako at may isang eksena dito, ‘yung action scene ko na first time makikita on national TV na from 11 a.m. to 5 p.m. shinoot na five seconds lang o ilang minutes lang mapapanood sa TV. So it is physically strenuous sa akin, physically draining,” paliwanag niya.
“Ang isa pa sa worry ko after Wildflower, kasi isang taon kaming nag-ere, sabi ko magiging at home kaya ako sa Bagani just like the same way that I was at home with Wildflower. True enough, we’re a family now that’s why siguro doon sa eksenang pinanood nila, ‘yung opening salvo ng bagong grupo ng Bagani ay naging successful kasi nga lahat kami may teamwork,” she added.
Sobrang laki ng sword na gamit ni Aiko sa taping kaya naman binigyan siya ng tips ni direk Lester Pimentel ng tamang paraan para sa paghawak nito.