Morisette mas kabado sa ‘graduation’ kesa biritan showdown


PINATUNAYAN ng Birit Queen na si Morissette na kaya niyang pagsabayin ang career at pag-aaral.

Ibinandera ng award-winning singer ang pagtatapos niya from junior high school.

Sa isang panayam, naikuwento ng dalaga kung paano niya iniwan ang pag-aaral sa Cebu para tuparin ang pangarap niyang maging singer dito sa Manila.

“But now there’s today,” ani Morissette sa caption ng litrato ng kanyang certificate of completion mula sa Don Alejandro Roces Sr. Science & Technology High School.

“Mahirap man i-juggle lahat but balance is key. Pero mas lalo po akong na-inspire sa mga batchmates ko who each had their own stories to tell, and have also reached this achievement.

“Tulad po ng sinabi ko kanina sa speech (akalain niyo uuuun.. mas kinabahan po ako kanina kesa sa mga contests na nasalihan ko HAHA), ‘the possibilities are endless!'” sey pa ng biriterang Kapamilya singer.

Read more...