OFW na nanligaw kay Kris biglang-sikat, pero nakakaawa raw

 

AYAN, dahil sa pagiging patolah ni Kris Aquino ay siya ngayon ang binabakbakan ng mga taong mula nu’n hanggang ngayon ay walang nakikitang positibo sa kanya, sa kanya tuloy bumabalandra ang mga salitang ipinakain niya sa isang OFW na gusto sanang manligaw sa kanya.

Hindi kasi nag-ingat si Kris, nagpadala na naman ang aktres-TV host sa kanyang emosyon, hindi niya man lang naisip na isang simpleng engineer ang nagtangkang manligaw sa kanya. At OFW pa.

May katwiran din naman si Kris, ayaw niyang pumatol sa mga troll, ‘yung mga mapagpanggap dahil hindi naman nila tunay na pangalan at itsura ang nakikita sa kanilang account.

Pero sana’y sinarili na lang niya ‘yun, hindi na sana siya nagpakawala ng pahayag na too smart at too pretty siya para pumatol sa pagpapalipad-hangin ng lalaki, naging negatibo tuloy para sa kanyang imahe ang mga naglalabasang komento ngayon kontra sa kanya.

Pati tuloy ang estado sa buhay ng lalaki ay nakakuha ng simpatya ng publiko. Maraming naawa sa OFW, habang lumalatay naman ang mga salitang ipinatutungkol kay Kris bilang milyonarya, mula sa alta sosyedad at kung anu-ano pang pamba-bash.

Ang matagal nang kuwento ng STD na si Kris mismo ang nagbuyangyang sa publiko ay nauungkat din ngayon. Pasalamat nga raw si Kris Aquino at meron pang kalalakihang nag-aalok sa kanya ng pagmamahal.

Isang simpleng pitik lang ‘yun, isang pagtangging isinapubliko ni Kris kontra sa sinasabi niyang troll, pero ngumunguya siya ng ampalaya mula sa mga taong nayabangan sa kanya.

Read more...