Carl Laforteza ‘comedy diva’ sa musical play na ‘Spamalot’

GRABE! Tawa kami nang tawa habang pinapanood ang Tony/Grammy/Drama Desk Award-winning musical play na “Monty Phyton’s Spamalot” sa ginanap na press night kamakailan.

After its successful run last year, muling rarampa ang “Spamalot” on stage na nagsimula na last April 13 at tatagal hanggang April 22 sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater sa BGC Arts Center sa Taguig City.

Dubbed as the best-reviewed musical comedy in 2017, “Spamalot” once again showcases its cast’s comedic timing and great acting and singing. Ang Broadway musical na ito ay ang bonggang adaptation ng 1975 film “Monty Phyton And The Holy Grail” na spoof ng kuwento ni King Arthur at ang kanyang adventure sa paghahanap ng “holy grail”.

Ang “Monty Python’s Spamalot” ay pinagbibidahan ng international Broadway singer-actress na si Carla Guevara-Laforteza na talaga namang agaw-eksena sa play bilang The Lady Of The Lake.

Isa si Carla sa mga Pinay na maswerteng nakapasok sa London Production ng “Miss Saigon” mula 1995-1997 kung saan ginampanan niya ang karakter na Kim na siya ring ginampanan noon ni Lea Salonga.

Nakausap namin si Carla pagkatapos ng play, at dito nga niya itsinika kung gaano talaga niya kamahal ang teatro. Marami na pala siyang tinanggihang teleserye dahil may conflict lagi sa schedule ng mga ginagawa niyang musical play.

Gustung-gusto rin niya ang gumanap ng mga character roles sa TV pero mas priority daw niya ang theater. Tulad nga nitong “Spamalot” kung saan muli niyang naipamamalas ang kanyang talento sa pagko-comedy.

“Love na love ko ang ‘Spamalot’, it’s the kind of production that I really want to do, kasi masaya lang siya, para lang kaming naglalaro. It’s an out-of-this-world concept but super fun at nakakatawa talaga.

“Tsaka I love the gowns, all my costumes here are created by Francis Libiran and the wigs I’ll be using are specially designed for me by Lynelle Hair Fashion,” kuwento ni Carla na talagang nag-shine nang bonggang-bongga sa pagiging komedyana.

In fairness, bawat eksena ni Carla ay pinapalakpakan ng audience at palakasan din ng tawanan ang mga nasa BGC Arts Center sa mga pasabog ng play with matching cheerleaders, projectile cows and vicious killer rabbits.

Sabi nga ni Carla kung medyo nagsasawa na kayo sa mga madadrama at seryosong musical play, try n’yong manood ng “Spamalot” dahil wala kayong gagawin kundi tumawa lang nang tumawa mula simula hanggang ending. Promise, nakaka-good vibes ang play at kahit tapos na ang production, natatawa ka pa rin.

Nakaka-relate rin daw si Carla sa role niya sa play dahil in real life ay “luka-luka” rin siya. Akala lang daw ng iba ay super serious siya pero sa totoong buhay ay komedyante rin siya kaya naman effortless din ang akting niya sa “Spamalot”.

Co-directed by Joel Trinidad and Nicky Triviño with musical direction of Onyl Torres, “Monty Python’s Spamalot” also features Rachel Alejandro (ka-alternate ni Carla), Lorenz Martinez (anak ni Leo Martinez), Roxy Aldiosa, Reb Atadero, Rachel Coates, Domi Espejo, Rhenwyn Gabalonzo, Noel Rayos, Bibo Reyes, Dean Rosen, George Schulze and Chino Veguillas and choreography by the Martinez Sisters.

For ticket inquiries, call TicktetWorld (891-9999) or Upstart (0917-8116156).

Read more...