Kilalang celebrity matulungin pero nagtatanim ng galit

A not-so-blind item: For some strange reason ay wala sa mahabang listahan ang pangalan ng isang sikat na female celebrity sa mga pinasalamatan ng isang non-showbiz friend in his Facebook post.

Common sa amin ng celebrity ang taong ‘yon whose family recently needed to raise a hefty sum para tustusan ang maselang operasyon ng isang kaanak. Close siya sa personalidad na ‘yon, their friendship even spanning decades.

Nagtaka kami why the celebrity’s name is conspicuously not on the list, which includes familiar names in and out of showbiz.

This much we know. Nagkalamat kasi ang pagkakaibigan ng celebrity at ng kanyang non-showbiz friend. Maging ang pinlanong isang mahalagang event sa buhay ng celebrity supposedly last year was totally scrapped because of their falling out.

Ayaw naming isipin na ang tipo pala ng personalidad na ‘yon is one who harbors grudges or ill feelings toward other people (but talking from experience, our impression pretty much holds water). Nagtatanim pala ang celebrity na ‘yon?

Kunsabagay, hindi porke’t binigyan siya ng parangal noong isang taon for her saintly deeds, ibig sabihi’y she’s a candidate even for beatification.

Read more...