JM mas naging yummy matapos ma-rehab; walang arteng naghubo’t hubad


NAPANOOD namin ang pinag-uusapang trailer ng Kapamilya series na Araw Gabi na pagbibidahan ng anak-anakan naming si JM de Guzman with newbie Barbie Imperial.

Very impressive at mapapa-wow ka sa ganda ng napili nilang lokasyon (an island), mula sa kuwento na nagsimula sa siyudad hanggang sa isang mysterious “parola.”

Parang hindi nawala si JM kung ang husay sa pagganap ang isyu, pero mas napuna namin ang pagiging daring nito sa kanyang role, at naging mas yummy pa siya ngayon. Ha-hahaha!

Kuwela yung hubo’t hubad niyang pagharap kay Barbie and from afar ay kitang-kita ang kanyang matambok na puwet habang umaahon sa dagat.

And this Barbie girl na tubong-Legaspi, Albay (sure kaming related siya kay Meg Imperial na mula rin sa Albay) ay very promising din. She registers well on screen at nakakaarte rin kahit trailer pa lang ang napanood namin.

Makakasama rin sa serye sina Vina Morales, Rita Avila, Candy Pangilinan, Dennis Padilla at Victor Silayan.

q q q

“Mahiya ka naman, ang kapal ng mukha mo!” Ang birong hirit ni Kim Chiu kay Ryan Bang nang magkuwento ng kanyang role sa launching movie niyang “Da One That Ghost Away” at nagsabing meron silang kissing scene sa isang eksena.

“Baka umasa sila!” sey pa ni Kim. Sagot naman ni Ryan umasa raw talaga siya na makakahalikan niya ang aktres at nagtataka siya kung bakit walang pinagawa sa kanila si direk Tony Reyes kahit nga may love angle sila sa “DOTGA”.

Puro papuri naman ang ibinigay kay Ryan ng mga kasamahan niya sa movie na nagsabing deserving siyang maging leading man ni Kim sa nasabing horror-comedy film ng Star Cinema. Kabilang na nga riyan sina Pepe Herrera, Enzo Pineda, tita Odette Khan, Maymay Entrata, Edward Barber, Chokoleit at Lassy.

q q q

Saglit naming nakausap si Enzo Pineda habang hindi pa nagsisimula ang presscon ng “DOTGA”.

Naitanong namin kung ano ang masasabi niya sa paglipat ng dati ring taga-GMA na si Ryza Cenon sa ABS-CBN?

“Masaya, sana meron pa,” ang simpleng tugon nito. Naintriga naman kami sa kanyang sagot dahil ang dating sa amin ay meron pa siyang inaasahan na lilipat mula sa GMA.

Pero biglang bawi niya, “Sana meron po kaming project na puwedeng pagsamahan dito. Yun ang ibig kong sabihin.”

Hindi namin gaanong kilala si Ryza maliban sa sumikat ito nang dahil sa soap opera niyang Ika-6 Na Utos sa GMA. Pero marami ang nagsasabi na magaling daw talagang aktres ang dalaga at palaban sa mga ganap sa buhay.

 

Read more...