Kristine balik sa ABS-CBN; pasok sa Bagani bilang reyna Malaya | Bandera

Kristine balik sa ABS-CBN; pasok sa Bagani bilang reyna Malaya

Reggee Bonoan |April 14,2018
facebook
share this

Kristine balik sa ABS-CBN; pasok sa Bagani bilang reyna Malaya

Reggee Bonoan - April 14, 2018 - 12:10 AM


ANO ang meron sa Bagani at tinanggap ni Kristine Hermosa ang karakter na Malaya bilang asawa ni Bathala (Raymond Bagatsing).

Ilang projects na ang in-offer kay Kristine ng ABS-CBN pero hindi niya tinanggap, ang katwiran niya ay abala siya sa pagiging maybahay ni Oyo Sotto at ina ng apat nilang mga anak.

At kung napanood si Kristine sa sitcom ng GMA 7 nitong mga nakalipas na buwan ay dahil kasama naman niya rito ang asawang si Oyo at biyenang si Vic Sotto.

Tinanong namin ang isang taong malapit kay Kristine kung paano siya napapayag na lumabas sa Bagani.
“Actually, umpisa pa lang ng Bagani, may in-offer na kay Tin, kaso hindi niya nagustuhan tapos itong karakter na Malaya, asawa niya si Bathala. Lalabas ang karakter niya mamaya (kagabi).

“Bale magkakaeksena sina Tin at Liza (Soberano) as Ganda kasi di ba, namatay tapos nabuhay si Ganda, napadpad siya sa mundo nina Malaya,” pagkukuwento sa amin.

At tungkol sa pagpayag ng asawa ng aktres, “Si Oyo naman kung anong gusto ni Tin okay sa kanya at saka may cut-off naman siya, so walang magiging problema. Sa pagkakaalam ko, regular si Tin towards the end of Bagani.”

Kaya pala ang teaser ng Bagani ay #GandaVsGanda kasi nga magsasama ang dalawang artistang may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz.

Speaking of Kristine ay marami ring umaasang muli sana siyang mapanood sa pelikula ng Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending