Ruru ‘inatake’ nang patayin si Gabbi sa Sherlock Jr

TRENDING agad agad ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa bagong TV commercial nila with McDo kung saan nagpalamig muna sila from the intense summer heat.

Sabi nga ng netizens, refreshing at perfect para sa kanila ang nasabing commercial. Nang minsang ma-interview namin si Ruru, sinabi ng Kapuso hunk actor na very supportive sila ni Gabbi sa isa’t isa at very thankful sila sa patuloy na suporta ng GabRu fans.

Samantala, sinabi ng aktor na marami pang maaaksyon at exciting na mga eksenang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Sherlock, Jr. sa GMA Telebabad after 24 Oras. Sa katunayan, may mangyayaring big twist sa kuwento na ikaka-shock ng viewerst. ‘Yan ang dapat n’yong abangan!

Samantala, tungkol naman sa pagpatay sa karakter ni Gabbi sa serye, talagang part daw ito ng story, pero inamin ni Ruru na talagang inatake siya ng matinding kalungkutan nang mawala na sa programa ang dalaga.

Read more...