Horoscope, April 14, 2018 | Bandera

Horoscope, April 14, 2018

Madam Sophia |April 14,2018
facebook
share this

Horoscope, April 14, 2018

Madam Sophia - April 14, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ang gara ng panahon, tag-ulan sa tag-init na! Simulan ang araw sa isang masayang paliligo sa tabing dagat. Isang nakakikilig na regalo ang matatanggap mula sa kasuyong chubby. Sa pinansayal tuloy ang agos ng pera papalabas, – magtipid! Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Red at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kaya hindi ka umunlad hindi mo kasi ginagawang salapi ang iyong mga kaalaman. Umpisahan na ngayong gawing produkto ang iyong karunungan at ibenta. Sa ganyang paraan, ikaw ay yayaman. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Silver at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Muli mong ibuhos ang iyong panahon sa mga bagay na pagkakaperahan upang mas madali kang umunlad. Sa pag-ibig, lagi unawain at tulungan ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 8, 13, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Chandaya-Om.” Green at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — May mag-aabot ng malaking halaga mula sa isang politiko. Wag tanggihan, minsan lang dumating ang ganyang pagkakataon. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 6, 14, 23, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Lagi kang makisama sa mga Capricorn. Sila ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, sa isang Scorpio makakasumpong ng isang walang kahulilip na ligaya at masaganang pagpapamilya. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Mayabeeja-Om.” Purple at white ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)
Leo – (July 23 – August 22) — Wag pairalin ang pagiging galante. Hindi baling mamigay, wag lang sobra, paglaanan ang kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pag-galantehan – ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 19, 24, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vai-Kuntha-Nava-Om.” Blue at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung hindi ngayon, kailan pa? Yan ang laging itanim sa isipan upang ikaw ay yumaman. Now na ang panahaon upang parahimin ang salapi. Sa pag-ibig now na rin ang panahong upang ibigay sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s Now or Never!” Silver at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tigilan na ang madalas na pagpe-Facebook, walang itutulong na mabuti ang gawaing iyan. Ibuhos ang nalalabing mga oras sa mga bagay na pagkakaperahan at sa pagaaruga sa iyong minamahal. Mapalad ang 4, 10, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Om-Pad-Me-Om.” Maroon at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Tularan ang alakdan, lakad ng lakad at gala ng gala. Kung malapit lang naman ang pupuntahan, maglakad na lang. Nakatipid ka na nakapag-ehersisyo ka pa. Sa pag-ibig, higit na iinit ang relasyon kung gagala kayo ng kasuyo ngayong tga-araw. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devah-Om.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mag-relaks upang wag ma-stress! Kung magswi-swimming wag magpupunta sa malalim upang maiwasan ang disgrasya. Okey lang na mabawasan ang pera kung gagamitin naman sa paglilibang at ikaliligaya ng buong pamilya. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Gosvani-Jiva-Om.” Lilac at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag pairalin ang awa! Mas madali kang uunlad, kung isasaisantabi mo na ang emosyon. Sa pag-ibig, praktikal na desisyon ang dapat upang magkaroon ng isang maunlad at masaganang pamilya. Mapalad ang 9, 18, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at brown ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Marami talagang pagsubok ngunit malalagpasan mong lahat yan. Kahit hindi masyadong maligaya, mapupuno naman ng mga pagpapalang pang-materyal ang pagsasama. Pagsapit ng edad mong 44 pataas mayamg-mayaman ka na. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Dosya-Om.” Yellow at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag magtiyaga sa kasalukuyang pinapasukan. Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa ibayong dagat may malaking kasaganaang naghihintay. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 7, 18, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Pink at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending