GOOD Day Sir/Ma’am
Nais ko lamang pong magtanong tungkol po sa isang kaibigan ko na kasalukuyang isang indigent member ng PhilHealth at kasalukuyan rin po siyang nagtatrabaho sa isang kompanya. Base po sa nabasa ko, ang employer ay kailangang mag-remit at magreport ng buwanang kontribusyon ng isang empleyado na naaayon sa kanyang buwanang kita kahit na ang empleyado ay isang indigent member.
Ang tanong ko po, kakaltasan ba ang sahod ng aking kaibigan na isang empleyadong indigent member ayon sa employee share at magbibigay rin po ba ng employer share ang mga employer?
Sana po matugunan ninyo ang tanong ko. Salamat po.
Necie de Guzman
REPLY: Mahal na Bb. de Guzman,
Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na bagamat ang inyong kaibigan ay isang indigent member ngunit siya ay mayroong trabaho, kinakailangan pa rin siyang bawasan ng kanyang employer ng 2.75% base sa kanyang basic salary na siyang tatapatan din ng parehas na halaga ng employer. Sa pag gamit ng benepisyo, ang susundin pa rin ay ang kaniyang pagiging indigent member, siguraduhin lamang na siya ay nasa loob pa ng effectivity period.
Lubos na
gumagalang,
CORPORATE
ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.