Nag-alok ng date kay Erich Gonzales, kulong dahil sa scam

NAKAKULONG na ang internet personality na naunang nag-alok ng date sa actress na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang ad sa billboard matapos sumuko sa mga otoridad sa Malabon City ngayong araw dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.
Sumuko si Christian Albert “Xian” Gaza matapos magpalabs ang Malabon Metropolitan Trial Court ng dalawang warrant of arrest laban sa kanya dahil umano sa palabag sa Batas Pambansa (BP) 22, o ang Anti-Bouncing Check Law.
Ayon sa dalawang biktima ni Gaza, humiram umano siya ng P3 milyon para pondohan ang isang negosyo, bagamat hindi ito nakabayad.
Matatandaang sumikat si Gaza matapos alukin ng date si Erich Gonzales sa pamamagitan ng ad sa billboard.

Read more...