JC umamin: Starstruck ako sa sobrang kagwapuhan ni Piolo! Iba siya! | Bandera

JC umamin: Starstruck ako sa sobrang kagwapuhan ni Piolo! Iba siya!

Ervin Santiago |April 13,2018
facebook
share this

JC umamin: Starstruck ako sa sobrang kagwapuhan ni Piolo! Iba siya!

Ervin Santiago - April 13, 2018 - 01:05 AM

JC DE VERA, ARCI MUÑOZ, PIOLO PASCUAL, ANTOINETTE JADAONE, ALESSANDRA DE ROSSI AT EMPOY MARQUEZ

GUSTO pa ring makatrabaho ni Direk Antoinette Jadaone ang magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre. Ito’y sa kabila ng kontrobersyang kinasangkutan nila habang ginagawa ang pelikulang “Never Not Love You” na isa na ring certified blockbuster hit.

Nakachika namin si direk Tonette sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Since I Found You na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, JC de Vera, Arci Muñoz, Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, at dito nga niya sinabi na okay na okay na uli sila ng JaDine.

“Maayos na, okay naman na kami. Parang madaling malunod kapag makikinig ka sa mga taong hindi mo naman kilala. At least kung kami, okay naman kami, personally, okay,” ani Direk.

Game rin daw siyang idirek uli ang magdyowa sa pelikula o teleserye pero aniya, “Dapat talagang iba ang materyal, iba sa On The Wings Of Love at Never Not Love You. But looking forward pa rin talaga ako na maka-work sila.”

Kung matatandaan, naglabas ng sama ng loob si Direk Tonette sa pamamagitan ng social media tungkol sa pagkaka-delay ng shooting nila sa “NNLY”, ito’y dahil daw sa pagiging pasaway ng JaDine.

Samantala, magsisimula na sa Lunes (April 16) sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang bagong serye na papalit sa The Good Son, ang Since I Found You, na isang romance-drama na may halo ring comedy.

Sa presscon din ng serye sinabi ni Piolo na napakagaan at napakasaya ng samahan nila sa set.

“Iba ‘yung dating nitong teleserye. Bukod sa para kaming naglalaro, sabi nga ni direk Tonet importante na alam ng bawat isa ‘yung character kasi mas malalaro mo, mas mabibigyan mo ng magandang kulay ‘yung mga eksena because of that,” ani Piolo.

Si Arci naman, aminadong kinikilig kapag kaeksena si Piolo, “Kasi close ko talaga si Papi pero alam na nila kapag kunyari kinikilig talaga ako sa totoong (buhay). Sabi nga ni direk Tonet, ‘Hala kinikilig na siya kasi nagbe-baby talk na.’ Kasi naman talaga si Papi, e.”

Bagong challenge rin kay JC ang role niya sa SIFY, bukod sa bagong look na pinaghandaan niya para sa kanyang character.

“Gusto ko maging katulad ‘yung boss ko. Gusto ko marating ang mga narating niya. Gusto ko maging successful katulad niya,” say ni JC na umaming gwapung-gwapo rin kay Papa P. In fact, starstruck pa rin siya kay Piolo kapag nakakaeksena niya ito.

Ito rin ang balik-tambalan nina Empoy at Alessandra. Buhay na buhay ang chemistry ng dalawa sa batuhan nila ng linya sa interview.

“Siyempre sobrang saya kasi komportable ka naman sa tao. Although komportable naman ako sa lahat pero siyempre siya kasi ang sarap jombagin. Ang sarap i-bully,” chika ni Alex.

“Siyempre masaya po dahil reunited kami ulit ni Alex. It feels so good. First time namin mag teleserye,” dagdag naman ni Empoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa Since I Found You sina Carmi Martin, John Lapus, Vivoree Esclito, Isabel Oli, Cholo Barretto, at Michael de Mesa, under Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending