Sa wakas, Bea Binene may bagong teleserye na sa GMA

BEA BINENE

GOODBYE na nga sa “nganga” days si Bea Binene dahil magkakaroon na rin siya sa wakas ng bago at regular series. Isa siya sa magbibida sa kasado nang soap ng GMA na Karibal Ko Ang Aking Ina.

Wala nang dahilan para ma-insecure si Bea kay Barbie Forteza na meron ding upcoming soap, ang Inday Will Always Love You. Pero kung kikay ang role ni Barbie sa bago niyang serye, todo drama naman ang kay Bea.

Makakasama ni Bea sa show sina Sunshine Cruz, Bing Loyzaga, Zoren Legaspi, Benjamin Alves at David Licauco sa direksyon ni Gil Tejada.

Read more...