SUNUD-SUNOD ang bridal showers na dinadaluhan ni Coleen Garcia. Ilang araw na lang ay magaganap na ang kasal nila ni Billy Crawford sa Balesin Island this month.
Nu’ng April 7 ginanap sa SM Aura ang bridal shower para kay Coleen ng ini-endorse niyang sosyal at mamahaling cosmetics company. Dumating doon ang favorite director niya na si Gino Santos at ang Happy Skin founder na si Rissa Mananquil Trillo.
Earlier, binigyan din ng bridal shower si Coleen ng isa pa niyang ini-endorse na product, ang F&C Jewelry. Italian-inspired naman ang bridal shower party nila for the bride na ginanap sa Buca Di Beppo Restaurant sa Global City, Taguig.
Dumating doon ang malalapit na kaibigan at pamilya ni Coleen kabilang na ang kanyang maid of honor na si Ria Atayde, Cesca Litton, Mica Javire (girlfriend ng best friend ni Billy na si Jay-R), Denise Laurel, Direk Gino and her mom Maripaz Ortega. Si Direk Gino rin pala ang magiging Man of Honor ni Coleen.
Nagkaroon din ng bachelorette bash si Coleen for her close friends sa Prince Waikiki, Hawaii. Coleen’s bride squad ang tawag nila sa grupo niya na nagpunta sa Hawaii.
Perfect daw ang naging bachelorette trip kung saan tinray nilang suutin ang Mrs. Sea bikinis, ang upcoming swimwear line ng bride-to-be kasosyo si Christiana Collings.
Puro “sponsored by,” huh! Wala bang pa-bridal shower for Coleen na ‘di “sponsored by?” For sure, meron ‘yan. At wala namang masama doon, ‘noh! Ibig sabihin lang niyan, well-loved si Coleen ng owner ng endorsements niya. Saka uso naman ‘yan sa mga celebrities kaya ‘di na unusual for Coleen ang “sponsored by” na bridal shower.
q q q
Hindi napigilang maluha ng baguhang singer na si Kiel Alo sa kanyang solo show sa Teatrino kamakailan. Naging emosyonal ang binatang singer dahil isa sa mga pangarap niya ay natupad na.
Nakadagdag pa sa emosyon ni Kiel ang “Pangarap” medley na kinanta niya na especially arranged for him nang batikang musical director na si Joeben Mirraflor.
Just a day before Kiel’s concert ay naikwento sa amin ng kanyang manager na si Kuya Jobert Sucaldito ang list ng songs na gagawin niya for his solo concert.
Na-excite kami na mapanood si Kiel performing the songs na pinasikat ng mga sikat na female singer gaya ng “A Song For You” at “Friend of Mine.” Hindi naman kami binigo ni Kiel with our expectations sa version niya of the songs.
Indeed, ibang level na talaga ang boses and quality of performance on stage ni Kiel compared sa nakaraan niyang shows. Mas may depth na ang kanyang boses and very heartfelt ang emosyon na niri-release niya sa bawat kanta.
Nadala ni Kiel ang kanyang audience with every song na kinanta niya especially ang owner ng Aficionado perfume na si Joel Cruz at ang Mayor ng Guiguinto, Bulacan na si Mayora Precy Cruz ng Guiguinto, Bulacan.
Again, congrats Kiel!
q q q
Napapanahon ang tema tungkol sa relasyon ng gay at lesbian sa episode ng Maaalala Mo Kaya last Saturday. Ang daming usaping LGBT issues ‘di lang sa showbiz ang tinalakay kundi pati na ang mga mambabatas ay inaaral ng mabuti ang mga batas na ipapasa nila para sa mga karapatan ng LGBT people.
Sa nakaraang episode ng programa ni Charo Santos sa ABS-CBN, inilahad ang kwento nang pag-iibigan ng tomboy na si Ashley na ginampanan ni Alora Sasam at ng baklang si Jeffrey, portrayed by Neil Coleta.
Mula nang makita ni Ashey si Jeffrey sa isang gay beauty pageant, nabighani agad siya sa ganda nito at agad na linigawan ang lalaking may pusong babae.
Naasiwa man noong una, naramdaman ni Jeffrey ang busilak na pag-ibig ni Ashley sa kanya na hindi niya kailanman naranasan sa mga dati niyang nobyo na lalaki.
Hindi naglaon sinagot niya rin ang masugid na manliligaw at pagkatapos ay nabunbtis si Ashley.
Nakasama rin sa nasabing MMK episode sina Mickey Ferriols, Debraliz, John Bermundo, Zonia Mejia, CK Keiron, April Mariz Herher, Tom Doromal at Phil Palmos, sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Benson Logronio.