Direktor natakot, umatras daw sa bagong pelikula nang malamang mga bigating artista ang mga bida

LAKING panghihinayang ng isang aktor dahil hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan sana nila ng kanyang ex-girlfriend. Ang mismong direktor daw ang umatras sa hindi pa malamang dahilan.

Hindi pa nakagagawa ng indie movie ang aktor kaya nu’ng i-offer sa kanya ang nasabing proyekto ay nagustuhan niya agad dahil tungkol ito sa pamilya at first love niya na feeling namin ay medyo hawig sa buhay niya ang kuwento.

Nabanggit pa sa aktor na ang ex-girlfriend ang makakasama niya kaya umokey na siya agad siya. Pero laking gulat na lang ng aktor nu’ng sabihan siyang hindi na ito matutuloy dahil may problema raw. Hanggang sa malaman niyang natakot daw ang direktor dahil malalaki silang artista.

Ayon naman sa isang nakausap naming source, “Sayang talaga, imagine napagsama nila ‘yung dalawa, hindi biro ‘yun ha, ang hirap nilang pagsamahin dahil may nakaraan sila at magkaiba pa sila ng TV network. Sayang ang chance talaga.”

Nanghinayang din kami sa nasabing project dahil siguradong magiging talk of the town ang pelikula at puwedeng-puwede rin silang manalo sa lahat ng award giving body dahil bukod sa mahuhusay silang artista ay kakaiba rin ang istorya ng pelikula.

Well, sana mabigyan ng justice ang mga bagong napiling artista ng direktor na gaganap sa pelikula niya.

Read more...