Singer-actress pailalim ang katarayan, pati pagtulong sa kapwa kailangang ipagyabang | Bandera

Singer-actress pailalim ang katarayan, pati pagtulong sa kapwa kailangang ipagyabang

Cristy Fermin - April 12, 2018 - 12:15 AM

 

PAILALIM ang katarayan ng isang singer-actress na nabiyayaan ng magandang karera nang suwertihin ang isang kadugo niya. Kung makapagsalita ang female personality, ayon sa kanyang mga katrabaho, ay parang alam na niya ang lahat sa buhay na ito.

At marami ring naaartehan sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan, kailangan niyang ipagsigawan ‘yun, para maraming makaalam na maganda ang kanyang puso.

Kuwento ng isang source, “Pabibo kasi siya. Ang gusto niya, e, siya ang palaging bumibida sa mga kuwentuhan. Marami siyang kuwento na siyempre, maganda para sa kanya. Siya ang lutang na lutang sa mga kuwento niya.

“Kahit na sa ere, ganu’n siya, di ba? Hindi siya nagpapakabog sa mga kasamahan niya, kailangang siya ang pabida sa mga kuwentuhan nila. KSP kasi siya. Kulang sa pansin. Kailan na lang ba naman kasi siya nabigyan ng attention ng publiko?” tanong-opinyon ng aming impormante.
Mapera na ngayon ang babaeng personalidad, nagkaroon na kasi siya ng mga sariling raket, hindi na siya basta umaasa lang sa datung na hatid ng kanyang kadugo.

“Sabihin na nating matulungin talaga siya, maganda nga ‘yun, marunong siyang mag-share ng mga blessings na tinatanggap niya. Pero meron siyang ugali na hindi type ng mga nakakasama niya sa trabaho.

“Ipinagmamakaingay niya ang pagtulong niya, hindi niya ‘yun ginagawa nang palihim, kailangang ipagbanduhan pa niya talaga. Hindi maganda ang dating nu’n sa mga nakakarinig.

“Kunwari, may nalaman siyang malungkot na kuwento tungkol sa isang katrabaho niya, agad na niyang sasabihin sa malakas niyang boses, ‘Naku, huwag ka nang malungkot, ako na ang sasagot sa needs mo! Ako na, tutulungan kita!’

“Di ba, parang gusto pa niyang malaman ng lahat kung gaano kaganda ang puso niya? Gustung-gusto niyang ipinagmamalaki ang mga ginagawa niya, sa totoo lang, kaya awkward ang dating ng ginagawa niya para sa mga katrabaho niya!

“Naku, pasalamat siya, sinuwerte siya dahil sumikat ang isang mahal niya sa buhay. Napakasimple ng batang ‘yun, tahimik na tumutulong, hindi tulad ng mudra niya na ipinagmamakaingay ang mga tulong na nagagawa niya.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang babaitang ito! Kailangan niyang uminom nang drum-drum na kape, para kabahan naman siya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending