After 3 years, Hyun Bin ng Kim Sam Soon balik-akting


MAGKAKAROON ng fan meeting ang Korean actor at miyembro ng K-Pop group na si Kang Min Hyuk sa ABS-CBN Ayala Vertis Tent sa Mayo 12 (Sabado).

Pinamagatang “Romatic Sailing,” nagkakahalaga ang tiket ng P8,500 para sa VIP, at P7,000 hanggang P8,000 para sa standing.

Magsisimula ang ticket sales para sa fan meeting ni Min Hyuk ganap na alas-12 ng tanghali sa Abril 15.
Bukod sa pagiging miyembro ng CNBLUE, bilang kanilang drummer, kilalang aktor din si Min Hyuk.

Kabilang sa mga nagawa niyang Korean drama ang Heartstrings, kung saan kasama niya ang lead singer ng CNBLUE na si Jung Yong Hwa at The Heirs na pinagbidahan nina Lee Min Ho at Park Shin Hye.

Bumida naman siya sa pelikulang “Entertainer” noong 2016 at “Hospital Ship” noong 2017 kasama ang sikat na Korean actress na si Ha Ji Won.

q q q

Balik-drama naman ang sikat na Korean actor na si Hyun Bin makalipas ang tatlong taon. Muli siyang bibida siya sa fantasy melodrama na Memories of the Alhambra.

Huling napanood si Hyun Bin sa Hyde, Jekyll, Me.

Matatandaang bukod sa Kim Sam Soon, nakilala si Hyun Bin sa kanyang pagganap sa Secret Garden, na kapwa ipinalabas sa GMA 7.
Ipinalabas naman sa Pilipinas ang kanyang pelikulang “Confidential Assignment” noong 2017.

 

Read more...