Jong Suk ng ‘W’ nagtayo na rin ng sariling agency


NAGTAYO na ng sariling agency ang sikat na Korean superstar na si Lee Jong Suk matapos umalis sa YG Entertainment. Pinangalanan niya itong A-man.

Makikipag-tie up naman ang A-man management sa YKN Entertainment para i-manage ang career ni Jong Suk.

Makakasama ni Jong Suk sa kanyang bayong project na “Hymn of Death” ang actress na si Shin Hye Sun, na nasa ilalim din ng YNK Entertainment.

Kabilang sa mga Korean drama ni Jong Suk ang While You Were Sleeping at W, na kasalukuyang ipinalalabas sa ABS-CBN.

Nakilala naman nang husto si Hye Sun sa top rating Korean series na My Golden Life na ipinalabas sa huling bahagi ng 2017 hanggang sa unang mga buwan ng 2018.

Read more...