Grupo hiniling sa LTFRB na itigil ang pakikialam sa pagrerepaso sa Grab takeover

NANAWAGAN ang isang consumer advocacy group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itigil na ang pakikialam sa kasalukuyang ginagawang pagrerepaso sa pagbili ng Grab sa kalabang Uber.
Sa isang pahayag, sinabi ng Laban Konsyumer Inc. (LKI) na dapat hayaan ng LTFRB na makumpleto ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagsusuri sa nangyaring pagbili ng Grab sa Uber.
Ito’y matapos ipag-utos ng PCC ang patuloy na operasyon ng Uber hanggang matapos ng antitrust body pagrerepaso sa nangyaring transaksyon.
Bago ang kautusan ng PCC, hanggang Abril 8 na lamang sana ang serbisyo ng Uber.
Matapos ang direktiba ng PCC, sinabihan ni LTFRB Board Member Aileen Lizada ang Uber na ituloy ang nakatakdang pagsasara nito.
“The LTFRB should stop meddling in the review of the Uber and Grab agreement by PCC,” ayon sa LKI.

Read more...