DEAR Atty:
Si Hassan po ito, 34 years old at taga Zamboanga City. Ang problema ko po ay nakipaghiwalay ang kinakasama ko sa akin, may tatlo kaming anak.
Ayaw na niyang makisama at makipagusap sa akin at di ko na raw pwede makita ang mga anak ko. Gamit ng mga bata ang apelyido ko. Ngayon may iba na siyang mahal kasi mahigit isang taon ako nag-work sa Manila nung pagkauwi ko nagbago at nanlamig na siya. Mahal ko pa rin siya. Pero ayaw na niya sa akin. May karapatan ba ako? Hindi rin ako papayag na mapalitan apelyido ng mga anak ko. May karapatan ba siyang palitan apelyido ng mga anak ko?
Hindi kami kasal pero gamit ng mga anak ko ang apelyido ko. Yung kinakasama ngyon ng dati kong kinakasama ay nagwowork sa government agency.
Ano ang dapat kong gawin, sinira niya pamilya ko? Need your opinion, attorney. Nais kong mabuo ang pamilya ko. — Hassan, …8822
Dear Hassan:
Kung hindi kayo kasal, illegitimate ang mga bata. At kapag ganito ang sitwasyon, ang nanay ng mga bata ang merong parental authority sa kanila, kahit pa naka-apelyido sa ama ang mga bata.
Hindi maaaring mapalitan ang apelyido ng kahit sino kung walang hearing sa Judge. Kung sakaling may hearing sa Judge, magsampa kasyo ng pagtutol at sabihin kung bakit hindi kayo pumapayag na na mapalitan ang apelyido ng inyong mga anak.
Tungkol uli sa punto na ang parental authority ng mga anak ninyo, ay nasa ina lamang, at hindi po kayo kasali, ito ay dahil hindi kayo kasal sa ina ng mga bata. Ang consent lang ng ina ang kailangan upang mapalitan ang apelyido ng inyong mga anak.
Ngunit, kayo ay may obligasyon na magbigay ng “financial support” sa tatlong bata. Ang hindi pagbibigay ng “financial support” sa tatlong bata ay isang krimen at maari kayong makulong.
Kung ayaw naman pong makisama ang ina sa inyo, hindi po siya mapipilit. Kung gusto po ninyo mabuo ang pamilya ninyo, muli siyang suyuin at saka yayain ninyo siyang magpakasal at baka sakali siya po ay inyong mapapayag. — Atty.
Dear Atty.:
Ask ko lang po, sino kaya ang magpa -file ng kasong bigamya, kasi gusto ng biyenan ko na ipakulong ako at kunin ang asawa ko at anak. Kasi, hindi daw ako ang karapatdapat sa kanilang anak. Ano po ang aking gagawin? at kung matuloy man tong pagkakakulong ko, paano na ang anak ko at asawa ko? Ako po si Vekto, 22, Iloilo City,…0615
Dear Vekto:
Ang bigamy ay isang krimen sa Revised Penal Code of the Philippines.
Ito ay ang pagkakaroon ng pangalawang asawa sa pamamagitan ng ‘2nd marriage’/2nd marriage contract, habang nabubuhay pa ang 1st wife, o di kaya habang hindi pa napapawalang bisa ang 1st marriage sa unang asawa.
Kahit sino ay maaaring magsampa ng kasong bigamy/bigamya, sapagkat ito ay public crime.
Kung kayo ay guilty ng bigamy/bigamya, maaari kayong makulong. Hindi biro ang pag-aasawa at lalong di biro ang mag-asawa habang kasal ka pa sa una, ito ay ipinagbabawal ng batas.