Grand Lotto jackpot P151M

AABOT sa P151 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola ni Miyerkules ng gabi.

Walang nakakuha sa P141 milyong jackpot sa bola noong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Lumabas sa naturang bola ang mga numerong 7-35-14-23-52-40.

Ayon kay Joseph Muego  ng office of the general manager ng PCSO, umabot sa P50.67 milyon ang halaga ng itinaya sa bola noong Lunes kaya lumagpas sa inaasahang P138 milyon ang aktwal na jackpot. Ang inilalaki ng jackpot prize ay nakadepende sa dami ng itinaya sa naturang draw.

Tatlumpu’t apat na mananaya naman ang nanalo ng tig-P97,450 matapos na makuha ang lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P1,520 naman ang 1,727 mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P20 ang 30,571 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...