23 nakatakdang kasalan apektado ng pagsasara ng Boracay
TINATAYANG 23 nakatakdang kasalan ang apektado ng anim na buwang pagsasara ng Boracay.
Sa isang ulat ng Radyo Inquirer, sinabi ni Fr. Tudd Belandres, ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Boracay na nakatakda sana ang mga kasalan mula April 26 hanggang Oktubre 25.
Idinagdag ni Belandres na sa kabila nito, wala pang nagkansela ng kanilang naka-iskedyul na kasal.
Tiniyak naman ni Belandres na susunod ang parish church sa kautusan ng gobyerno.
Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang anim na buwang shutdown ng Boracay para bigyang daan ang rehabilitasyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.