JM de Guzman nag-sorry uli sa fans: Salamat sa inyong pagpapatawad!


TULOY pa rin pala ang counselling session ni JM de Guzman kahit nakalabas na siya ng rehab.

Busy na uli ngayon ang binata sa kanyang showbiz career matapos mabigyan ng panibagong chance sa ABS-CBN with his new TV series Araw Gabi para sa unang handog ng nagbabalik na Precious Hearts Romances kung saan makakatambal niya ang dating PBB housemate na si Barbie Imperial.

“Halos everyday, nagkakaroon pa rin ako ng counselling session. Kasi unti-unti, bini-build pa rin namin yung confidence ko from the scratch.

“Nasa process pa rin ako, pero happy ako ngayon na nasa labas na ako. Sobrang overwhelming din ang support na natatanggap ko kaya sobrang happy ako.

“Sabi ko nga, ‘Totoo ba ito, o baka naman naaawa lang sila sa akin?’ Overwhelming pero minsan, medyo nakaka-anxious din,” ang pahayag ni JM sa panayam ng ABS-CBN.

Dugtong pa ng binata “Yung ganitong chances, mahirap na ulit dumating. Pambihira na lang talaga. Kaya napakalaki talaga ng pasasalamat ko. Yung mga fans ko, sobra rin ang pasasalamat ko sa kanila talaga.

Salamat sa support, sa love, sa muling pagwe-welcome sa akin at sa inyong sa pagpapatawad. I’ve let you down and I’m sorry.”

Read more...