PUNO pa rin ng mensahe ng pag-ibig at inspirasyon ang “Just Love Araw-Araw” Summer Station ID ng ABS-CBN tampok ang 30 Kapamilya artists.
Ito’y sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle at Vhong Navarro ng It’s Showtime, kasama ang Asia’s Soul Supreme and China’s Singer 2018 contender na si KZ Tandingan, at ang The Voice PH coach na si Bamboo.
Naririnig at napapanood na na ngayon ang bagong awitin sa tag-araw matapos itong i-launch last Saturday ng Kapamilya Network with its official lyric video para sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Samantala, mapapanood naman ang aktwal na Station ID sa Abril 14 sa It’s Showtime.
Tulad ng “Just Love Ngayong Christmas” Station ID ng ABS-CBN noong Disyembre, hinihimok ng “Just Love Araw Araw” Summer Station ID ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-kalinga o paglingkod sa kanilang pamilya, mga kaibigan, komunidad, at buong bansa.
Sa nakakaenganyo nitong liriko at himig, dala nito ay inspirasyon sa mga tao na magpakita ng malasakit habang nagsasaya ngayong tag-init at sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Ilan pa sa nagbigay-buhay sa bagong summer anthem ng bayan sina It’s Showime hosts Jugs Jugueta, Teddy Corpuz at Amy Perez, ang “Tawag ng Tanghalan” hurados na sina Rey Valera, Nyoy Volante, Mitoy Yonting, Yeng Constantino, K Brosas, Erik Santos, Jaya, Jed Madela, Louie Ocampo, Ogie Alcasid at Rico J. Puno.
Ka-join din ang TNT grand finalists na sina Remy Luntayao, Anton Antenorcruz, Tuko delos Reyes, Sofronio Vasquez, Alfred Relatado at Jovany Satera, with “Ms. Q and A’s” finalists Juliana Parizcova Segovia, Matrica Matmat Centino at Rhian Rianne Azares.
Isinulat ang “Just Love Araw-araw” ni ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) head Robert Labayen kasama si Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz at Paolo Ramos ng CCM. Ang musika naman ay gawa nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, na may dagdag himig mula kay Jimmy Antiporda.
Naging tradisyon na ang ABS-CBN Summer at Christmas Station IDs ng Kapamilya network hindi lamang sa istasyon kundi pati sa mga Pilipino sa buong mundo dahil sa mga positibo nitong mensahe ng pag-asa at pagmamahal sa bawat video.
Mag-post tungkol sa video gamit ang hashtag na #justLoveArawAraw. Para sa updates, i-follow ang @abscbn o @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.