Kyline Alcantara biglang-sikat dahil sa sobrang kasamaan


KAHIT  daw maraming papuri ang natatanggap mula sa kapwa niya artista at mga fans, aminado ang Kapuso star na si Kyline Alcantara na sobra ang pressure ang nararamdaman niya sa pagganap bilang Cheska sa seryeng Kambal, Karibal.

Pero aniya dahil sa matinding challenge na ito, mas nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA dahil mas nagugustuhan niya ang kanyang bida-kontrabida role sa pagpapatuloy ng Kambal, Karibal.

Sinabi ng Kapuso actress na nadadalian siyang gumanap bilang kontrabida dahil na rin sa mga tinitingala niyang beteranang kontrabida tulad nina Bella Flores na kilala bilang Queen of all Kontrabidas, at ang award-winning na si Cherie Gil.

In fairness, biglang-sikat si Kyline dahil na rin sa ipinapakita niyang performance sa Kapuso primetime series na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Para sa mga manonood, for a 15-year-old, iba ang trip ni Kyline, huh!

Pero ngayong iba na ang mga ganap sa kanilang serye kung saan nasa katawan na ngayon ni Cheska ang kaluluwa ni Crisan (Bianca) at nawala pa ito matapos ng kanilang intense na pakikipag-away kay Raymond (Marvin Agustin), magawa pa kaya ni Kyline ang magmataray?

Samantala, nakikiusap naman ang mga fans nina Miguel at Bianca, pati na rin ng mga followers nina Kyline at Pauline Mendoza na huwag munang tapusin ang Kambal, Karibal.

Sabi nga ng isang netizen, “GMA pls extend KK! Magagaling naman ang writers nyo and we believe na marami pa kayong pwedeng gawin sa kuwento.”

Kasama pa rin sa Kambal, Karibal sina Alfred Vargas, Jean Garcia at marami pang iba. Napapanood pa rin ito after Sherlock Jr..

Read more...