MAY naglabas ng photo na kuha sa concert ng Kapuso starlets na kasama si Alden Something.
The photo was shown na hindi puno. Walang tao sa balcony area at sa orchestra naman ay may mga upuan na bakante.
With that, ikinalat ng bashers ni Alden na flopey ang recent concert nila.
“Laging di puno ang concert ni ALDEN abroad. Minsan BUY 1 TAKE 2 ang ticket. OH NGAYON, TINGNAN MO CONCERT NILA, 6 NA SILA. DI PA NAKAPUNO.”
“Laki ng lugi. Pinamigay na ang mga tickets wala pa rin. @ArtistCenter @mainedcm at @aldenrichards02 lang gusto ng mga tao #fact.”
“Bakit ang dilim? Ayaw n’yo ba ipakita kung gaano kaunti ang tao? Kung si Maine pa ang kasama ni Alden d’yan minus your artist, siguradong punung-puno yan kahit pa abutin ng 2 days! And that’s a fact!”
“Hala, ni hindi napuno yung ibaba. Baka pinamigay pa nila yung mga tickets para lang may manood.”
Ilang Alden fanatics naman ang nagsabing baka raw kuha ang mga naglabasang photo bago pa magsimula ang concert kaya wala pang gaanong tao sa loob.
q q q
Parang si Marian Something lang ang excited sa kanyang pagbabalik-teleserye.
When a report of her “return of the Jedi” sa soap opera surfaced in one popular website, more on bash ang inabot niya kaysa papuri.
“She’s truly pretty and sexy but her projects are not really trending. GMA should discover new talents or give others some chance to shine.”
“Ilan taon na nagteteleserye idol nyo flop pa din. Ilan movies na ang nagawa nyang flop? Kaya nga pansin nyo wala movie idol nyo kasi nga flop flop flop. Pretty face lang.”
May nagtanggol pa rin naman kay Marian and said, “Gagaling nyo eh no! OO NA KAYO NA ANG PERPEK! Kung ayaw nyo kay Marian e di wag! Ayaw nya rin sa inyo!”