Gary, Martin napa-OMG! sa litrato ni Lea with Robert de Niro sa IG


NAPA-WOW si Martin Nievera habang napabulalas naman ng, “OMG!” si Gary Valenciano nang i-post ni Lea Salonga ang picture nila ng Hollywood actor na si Robert de Niro sa kanyang Instagam.

“Thank you, sir, for visiting the Island (Once In This Island play) with your lovely family!

#RobertDeNiro @onceislandbway,” caption ni Lea sa kanyang photo.

Reaksyon ni Martin, “Wow! My favourite actor. Pretty good too.”

“OMG!!! OMG!!! OMG!!!” komento naman ni Gary V.

Inggit naman ang ibang followers ng Broadway superstar sa photo nila together ng Hollywood actor. Wish naman ng ilang netizens na magsama sila sa isang project.

Read more...