Pooh may nakakalokang experience sa Uber driver…napagkamalang waiter


TAWA kami nang tawa sa ipinost ng komedyanteng si Pooh sa social media kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, ikinuwento ng stand-up comedian ang naging experience niya sa isang Uber driver. Aliw na aliw daw ang komedyante sa pakikipag-usap niya sa driver habang sila’y bumibiyahe.

Narito ang kabuuan ng IG post ni Pooh.

“Nag book ng UBER…
“Driver: Ang aga nyo Sir ah?
“Me: me hinatid lang ako (Max’s resto)
“Driver: Hirap talaga ng buhay sir noh?
“Me: Oo nga kaya dapat sipag at Tyaga…
“Driver: Matagal na kayong waiter dyan?
“Me: (sumipol nalang)….
“Tapos!”

Nu’ng magbabayad na raw siya ay muling humirit ang Uber driver, humingi pa raw ito ng pasensya dahil hindi siya nito nakilala at inakala pang isang waiter.

“UBER PART 2
“Me: Mama d2 nalang tayo.. (Bahay)
“Driver: (nakatingin sa rear mirror) Ay sir! Kayo pala yan! Sorry po napagkamalan ko kayong waiter…
“Me: Ano ka ba wala un…
“Driver: Yun pa din show nyo sa abs cbn?
“Me: Opo.
“Driver: Sayang wala na si John Lloyd Cruz du’n.
“Me: Eto bayad.”

Ang hula ng mga netizens, napagkamalan ng driver si Pooh na si Jobert Austria, ang komedyanteng kasama sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Read more...