Sikat na male celeb galante sa dyowang aktres, pero maramot sa sariling pamilya
KALAT na kalat sa kapaligirang pinagtatrabahuhan ng isang pamosong male personality ang mas pagbibigay niya ng panahon at paggastos para sa kanyang karelasyon kesa sa kanyang pamilya.
Malakas siyang kumita, hindi siya nawawalan ng trabaho, inaalagaan siyang mabuti ng network na pinagseserbisyuhan niya. Maluwag ang kanyang buhay, nasusunod ng male personality ang anumang gusto niya, kaya puwede siyang sumuporta sa kanyang pamilya.
Ibang klase ring makipagrelasyon ang guwapong male personality, bonggang-bongga siyang magregalo sa kanyang girlfriend, daang libo ang halaga ng mga ibinibigay niyang sorpresa.
Ganu’n siya kagaling sa kanyang karelasyon pero maraming nakapaligid sa kanya ang nagsasabing kulang na kulang siya sa pagsuporta at lalo na sa panahon para sa kanyang pamilya.
“Gustong lumuwas ng mommy niya mula sa probinsiya nila, bakasyon lang naman ‘yun, mga ilang araw lang, pero palagi siyang nakakontra. Ayaw niyang nandito ang family niya.
“At mukhang totoo nga ang kuwento, dahil nu’ng mag-try na mag-artista ang isang brother niya, e, nakitira lang ‘yung tao sa isang tita nila habang nandito siya sa Manila.
“Ano ba namang sa bahay na lang niya patirahin ang brother niya, e, mansiyon na halos sa laki ang ipinagawa niyang house? Kakalug-kalog lang naman siya du’n, kaya bakit sa isang relative pa nila nakitira ang brother niya?” simulang kuwento ng aming source.
Mahilig magbiyahe ang male personality, ang karelasyon niya ang palagi niyang kasama, pero ang pamilya niya ay hindi man lang niya nadadala sa ibang bansa.
“Basta, hindi siya ganu’n ka-generous sa pamilya niya, parang natatamad siyang sumuporta na ewan, basta! Kailangan pang mangulit ang mommy niya para lang siya magpadala ng support sa family niya.
“Napakadaling tumbukin kung sino ang male personality na ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadali! Isang magandang aktres ang girlfriend niya ngayon.
“Kiyemeng nag-break daw sila lately dahil nagselos ang girl sa leading lady niya, pero ang totoo, e, kiyeme to-the-max lang naman ang drama nila!” pagtatapos ng nakairap naming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.