LUMIKHA ng ingay sa social media ang latest photo na ipinost ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account nitong nakaraang weekend.
Marami kasing nagulat sa bagong itsura ngayon ng aktres – pumayat na siya nang bonggang-bongga at bumalik na rin ang glow sa kanyang face. Obvious na super happy na ngayon sa kanyang single life si Claudine kasama ang kanyang mga anak kay Raymart Santiago na sina Sabina at Santino.
Maraming nag-react na netizens sa muling pagseksi ni Claudine at karamihan ay nagtanong kung ano ang kanyang “balik-alindog” program.
Sa nasabing litrato ay makikitang nakasuot ng black shirt and jeans ang aktres at kitang-kita nga rito ang pagbabago sa kanyang katawan kumpara noong mga nakaraang buwan. Nilagyan niya ito ng caption na: “Di ako galit Promise.may nakita lang akong magandang plates fromPAMANA RESTO IN TAGAYTAY.”
Ayon sa kanyang fans, pwedeng-pwede na uli siyang bumalik sa pag-arte dahil pasado na uli siyang leading lady. Narito ang ilan sa mga comments ng kanyang IG followers.
Ayon kay @realchavz, “OMG! Pumayat na ulit ang nag iisang Teleserye Queen. Sana magkaroon na ulit ng teleserye ang nag iisang Claudine!”
Sabi naman ni @mbh1225U, “Look amazing po! I really admire you as a person! God bless!”
“Hala, pumayat na si ate Claudine. Go go Claudine!!! Mag Rosario, Rosemarie, Rosenda ka ulit! Would be nice to see you back in TV. God bless po!” sabi naman ni @dannasoarlee na ang tinutukoy ay ang mga tatlong karakter na ginampanan niya sa seryeng Saan Ka Man Naroroon ng ABS-CBN.