KZ laglag sa ‘Wildcard’ ng Singer 2018: Ang mahalaga naibandera natin ang OPM sa China!


TULUYAN nang natapos ang journey ni KZ Tandingan sa pinakabonggang singing competition sa China, ang Singer 2018.

Ito’y matapos malaglag si KZ sa ginanap na Breakout o wildcard round kamakailan kung saan kinanta niya ang Mandarin at Pinoy version ng classic OPM hit ni Freddie Aguilar na “Anak.” Ang nanalo sa nasabing episode ay siguradong pasok na sa grand finals na magaganap next week.

Pero kahit na natalo, naniniwala pa rim ang Asia’s Soul Supreme na naibandera niya ang ganda ng OPM sa mas malawak na audience kaya’t parang magwagi na rin siya.

“I know that there’s a bigger purpose kung bakit ako nandu’n and that is to show the Chinese audience what OPM is and kung paano mag-perform ang Filipino artists. If manalo tayo, then okay, bonus na lang ‘yun eh,” aniya pa sa panayam ng ABS-CBN.

Sa kabila ng kanyang pagkatalo, bumaha pa rin ng nga pagbati at positibong komento sa social media para kay KZ.

Read more...