Horoscope, April 08, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Napapansin mo ba na maraming pagsubok? Nangyari, dahil ito ay palatandaan na may napakalaking suwerteng ipagkakaloob sa iyo ang langit sa sandaling patuloy kang lumaban at nakihamok. Ang malaking suwerteng ito ay ang pagyaman. Mapalad ang 1, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Panindigan ang sinabi! Kung lagi kang nagbabago ng desisyon, sa bandang huli, wala ng maniniwala sa iyo. Sa pag-ibig, kung talagang mahal mo ang kasuyo, susundin mo ang kanyang gusto upang kapwa kayo lumigaya. Mapalad ang 3, 15, 25, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Phat-Shanti-Om”. Pink at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansyal, tama ang ginagawa nyong pagtutulong iyong kasuyo sa paghahanap buhay at pagpapalago ng kabuhayan. Kaya lang ang mali, hindi nyo magawang i-priority ang pag-iipon o savings bago gumastos. Hindi pa huli ang lahat, bago gumastos, magtabi ng ipon. Sa ganyang paraan hindi masasayang ang mga pagsisikap at paghihirap na ginagawa nyo sa ngayon. Mapalad ang 8, 15, 24, 28, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Upang umunlad at lumigaya, tapusing mabilis ang anumang ginagawa. Kapag marami kang “free time” magagawa mo pang mag-relaks-relaks. Sa pag-ibig, wag hawahan ang kasuyo ng katamaran, gawing halimbawa ang iyong kasipagan upang lalong umunlad ang inyong kabuhayan at ang inyong relasyon. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Govinda-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Magiging maligaya ang araw na ito! Bubuksan ng langit ang bintana ng mga biyaya para sa iyo. Lahat ng iniisip at plinaplano mo ay isa-isa ng magkakatotoo. Sa pinansiyal, isang kadugo ang mag-aabot ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 1, 19, 28, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Yellow at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa araw na ito may darating na malaking halaga ng salapi! Wag mo namang ubusin agad-agad! Magtipid upang may mahugot sa sandali ng kagipitan. Sa pag-ibig, paglaanan ng budget binabalak na pagswi-swimming. Mapalad ang 1, 10, 16, 33, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Red at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Lagi kang maglagay ng old silver coin sa iyong bulsa o wallet. Ang agimat na iyan, ang hahatak ng mas marami pang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, kung may magreregalo sa iyo ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin sa buhay. Mapalad ang 5, 9, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Wag pansinin ang mga walang kuwentang tao! Ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, impluwensiyahan na rin ang kasuyo na maging mukhang salapi upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kung hindi mag-iisip ng mga bagay na pagkakaperahan paano ka yayaman? Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na isa lang ang nagpapaligaya sa pagmamahalan – maraming-maraming pera! Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodha-Aum-Dhipana.” Beige at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa malayong lugar, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain! Sa pag-ibig, tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa at doon na manirahan. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Samantalahin mo ang mga oportunidad na dumarating upang lalo mo pang mapaunlad ang iyong buhay. Minsan lang yan at hind na babalik. Sa pag-ibig, kailangang makatulong mo sa pagpupundar at pagsisinop ng kabuhayan ang iyong kasuyo upang mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Maging matatag sa bawat sandali. Ang mga pagsubok na dumarating ay magiging daan upang lalo ka pang umunlad at lumigaya sa bandang huli. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Libra, dahil kapag nawala pa siya, malulungkot ka na naman at mahihirapan ka na uling makakita ng kanyang kapalit. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 29 at 37. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Om-Padma.” Black at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi uubra ang bait, dahil ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman. Mainam din ang hindi masyadong mabait, pero maunlad ang pamumuhay. Sa pag-ibig, kapag hindi ka na kinontra ng iyong kasuyo ito ay indikasyong papaunlad na ng papaunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Dhosya-Om.” Green at pink ang buenas.

Read more...