LILIPAT na nga ba si Ian Veneracion sa GMA 7?
May mga chika na lalayasan na raw ng aktor ang ABS-CBN matapos kumalat ang litrato niya sa social media kasama si GMA 7 Senior Vice-President for Entertainment na si Lilybeth Rasonable at ang talent manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan.
Sa presscon ng first major concert ng aktor na “Ian In 3 Acts”, mariin niyang itinanggi na lilipat siya sa ibang network. Paglilinaw ni Ian, kapitbahay daw niya si Perry at nag-dinner lang sila.
“He’s my neighbor in a subdivision near Tagaytay, ‘yun lang yun, as a neighbor lang,” aniya. Wala naman daw dahilan para umalis siya sa ABS-CBN. “I’m very happy with the roles that I’m getting. For the past how many years, okay naman ako, nagkaroon ng Pangako Sa ‘Yo, A Love To Last. ABS-CBN has been very, very kind to me.”
May mga bagong proyekto na raw na nakalinya ang ABS-CBN para sa kanya, kabilang na ang isang pelikula mula sa Star Cinema. Sa ngayon, gusto munang mag-concentrate ni Ian sa pagiging singer.
Naghahanda na siya para sa kanyang “Ian in 3 Acts” concert sa April 21 na gaganapin sa Grand Pacific Ballroom ng Waterfront Cebu at sa May 13 sa Resorts World Manila.
“Music muna tayo. So, pinaghahandaan ko talaga ito, because ayoko ng hilaw. If I’m gonna do this, I’m gonna do this right, and polished, yung finding the band members. And since it’s all live music nga, siyempre kailangan namin i-polish yun, kailangang i-rehearse,” pahayag ni Ian.
Hirit pa ng aktor, “I’m not known as a singer, as a musician, but I hope I will get this chance to show you my musicality,” he said. “I’m really excited to show what I have. So sana maraming manood.”
Pagpapatuloy pa ng aktor, “Ako, sinasabi ko lagi, ‘No, I’m not a singer. I’m an actor.’ ‘Yun ang lagi kong sinasabi kaya apprehensive akong kumanta, pero ayun nga, they’ve been saying, ‘You can sing – sana you can embrace it,’ and that’s exactly what I did. I embraced it and now I enjoy it so much.”
Anu-ano ang kailangang abangan ng kanyang fans sa concert? “It’s a concept show, but the core is music. ‘Ian in Three Acts’ kasi everybody knows I’m an actor and a movie has three acts. Act I is ‘Who you know,’ so the Ian that you know, ‘yung nakikita n’yo sa A Love To Last, the stuff na nakita niyo.
“Act II is ‘Who you don’t know,’ the other side of me – my own music, the music I listen to, the music I enjoy playing. And Act III is ‘Who I really am,’ which is a combination of both. There’s a flow. We have visuals, we have props, we have stuff – it’s like creating scenes also,” aniya pa.
“I want to bring something into the stage that only an actor can perform,” dugtong pa ni Ian.
Makakasama rin sa kanyang concert si L.A. Santos at iba pang special guests. Tickets are available in Waterfront Cebu City Hotel & Casino and SM Customer Service counters. For inquiries, call 232-6888 or 0915-535 3873.