Plastik: Aktor sweet lang sa dyowang female star pag nasa harap ng camera

ISANG gabing malakas ang ulan at hindi pa makauwi sa kani-kanilang bahay ang mga magkakatropang nagtatrabaho sa isang malaking network ay nagkasundo silang magkape-kape muna sa isang malapit na coffee shop sa kanilang istasyon.

Tiyempo namang katatapos lang mag-pack-up ng isang seryeng pinagbibidahan ng isang magka-loveteam. Natural, du’n muna tumutok ang kuwentuhan, ang guwapong binata at ang magandang young actress muna ang kanilang pinagpistahan.

Sabi ng isang nasa umpukan, “Naaawa ako kay girl. Kasi, halatado namang siya lang talaga ang nagmamahal kay guy. Parang hindi reciprocated ang love na ibinibigay niya sa boyfriend niya.

“Kapag magkasama sila, magkatabi na sila nu’n, ha? Feel na feel mo ang love ni girl sa guy, pero ang lalaki naman, parang very cold! Parang wala lang! Wala siyang pakialam sa paglalambing sa kanya ng girl!

“Imagine, break nila sa set, ano ba namang makipagkuwentuhan naman muna siya kay girl? Ano ang ginagawa niya, instead, nagtetelebabad siya, kausap ang mga katropa niya!

“Tawa siya nang tawa, naaalala siguro nila ang mga kalokohan nila, saka kapag lasheng na sila. ‘Yun ang pinagkakaabalahan niya, no time siya para sa girl, kaya naaawa talaga ako sa babae,” unang kuwento ng impormante sa umpukan.

Pero kapag nasa harap na kuno ng mga camera ang magka-loveteam ay magugulat ka dahil panay-panay ang yakap sa bewang ng young actor sa kanyang girlfriend.

“Parang ipinapi-feel ng guy na mahal na mahal niya si girl. Panay ang embrace niya sa bewang ng girlfriend niya, na gustung-gusto naman siyempre ng babae. Kung ang girl nga ang tatanungin, e, mas gusto niyang palagi silang oncam, para lagi siyang niyayakap ng BF niya!

“Napakatiyaga rin naman ng girl, di ba? Pero mahal na mahal niya kasi ang guy, wala siyang panahon para sa ibang lalaki, ang guwapo lang talaga niyang boyfriend ang lahat-lahat para sa kanya!” pagpapatotoo naman ng ikawalang source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, walang kahirap-hirap hulaan kung sinu-sino ang bumibida sa kuwento, pili lang kayo ng paborito n’yong kulay.
White, black, green or red?

Read more...