Gabby magsasabog ng kasamaan at kabaklaan sa Contessa ng GMA

GABBY EIGENMANN AT GLAIZA DE CASTRO

DUMATING na ang hinihintay ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann dahil nagkaroon na siya finally ng eksena kasama si Glaiza de Castro sa afternoon series ng GMA na Contessa.

Excited si Gabby na makasama si Glaiza dahil na-miss niya itong makatrabaho. Huli silang nagsama sa seryeng Dading kaya naman looking forward talaga siya na makaeksena muli si Glaiza.

Sa Contessa, siya ang talagang magpapahirap sa karakter ni Glaiza bilang si Bea. Isang fresh take ang pagganap ni Gabby at siniguro niyang masa-shock ang viewers sa mga gagawin niya sa serye bilang si Vito.

Abangan ang kanyang mga nakakalokang pasabog sa Contessa after Eat Bulaga, kabilang na riyan ang mga kabaklaang ilalantad niya sa mga susunod na episode.

Read more...