Tom naging ‘oil-bularyo’ dahil kay Jen: Magic ng ‘pahid-pahid’ epektib

TOM RODRIGUEZ AT JENNYLYN MERCADO

NAGING certified “oil-bularyo” na rin ang Kapuso hunk na si Tom Rodriguez nang dahil sa bago niyang leading lady sa pinag-uusapa nang teleserye ng GMA 7, ang The Cure.

Ang tinutukoy namin ay ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado. First time na magsasama sa isang teleserye sina Tom at Jen, kaya bagong putahe na naman ito na dapat abangan ng viewers.

Binibiro nga siya ngayon ng mga kasamahan sa The Cure, “Tuhog King” daw siya – dahil pagkatapos niyang maging ka-loveteam si Dennis Trillo sa LGBT series na My Husband’s Lover heto’t ang girlfriend naman ng Kapuso Drama King ang kanyang kapartner.

Gagampanan ni Tom sa The Cure ang karakter ni Gregory Salvador, isang Clinical Research Associate sa isang international pharmaceutical laboratory, habang si Jen naman ang kanyang asawa na isang nurse.

Puring-puri ng binata ang professionalism ni Jennylyn at ang pagiging totoong tao nito. Sweet at maalaga rin daw ang aktres sa kanyang co-stars.

“Ang sarap niyang katrabaho. I pick up so much just by watching her work,” ani Tom nang makachikahan namin recently sa taping ng The Cure.

“Tsaka ang dami na niyang naimpluwensiya sa akin. Oil-bularyo na rin ako ngayon. Ha-hahaha!

Sobrang effective kasi ng mga itinuro niya sa aking oil remedies, especially I have allergies like rhinitis and skin asthma.

“So kung dati kung ano-ano ‘yung medicine na kailangan kong i-take at least ngayon hindi na ako masyadong nagdedepende as gamot, kahit paano its started to really help,” chika pa ng binata.

***

Samantala, magpapaka-action star naman si Tom sa suspense-drama-thriller series na The Cure, “It’s really one of my wish project or passion project na hinihiling ko na sana magkaroon ako.”

At tulad din ni Jennylyn na walang takot sa kanyang mga buwis-buhay na eksena, game na game rin ang Kapuso hunk sa mga delikadong stunts sa bago niyang serye, at hangga’t maaari ayaw din niyang magpa-double.

“Like sa isang eksena, isang buong take lang siya na we’re running doing routine while it was exploding all around. So masaya ako kasi it’s not something na dinagdag lang sa post-production. Live lahat ‘yung mga sumasabog.

“Ang sarap kasi niyang gawin. Kahit nga ganito (sugat-sugat) na kakatanggal ko lang ng mga band aid, kahit may konting galos-galos, ito ‘yung tipo ng galos, the adrenaline rush na so much fun to do. I feel so new,” aniya pa.

Dagdag pa ng aktor, “When I do dramatic scenes sometimes you can be the opposite, it can be draining pero dito sa The Cure, wala. The hurt, even the bruises in any part of my body, ay okay pa rin.”

Sa kuwento ng The Cure, gaganap na nanay ni Tom ang award-winning actress na si Irma Adlawan na isang cancer patient. Magkakaroon din ito ng tinatawag na Monkey Virus Disease (MVD) matapos turukan ng unlicensed drug na ninakaw ng kanyang anak.

Kakalat ang virus sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kung saan ang lahat ng magkakaroon nito ay mabubuhay na parang mga hayop at zombie.

Ito’y sa direksyon ni Mark Reyes. Makakasama rin dito sina Jaclyn Jose, LJ Reyes, Jay Manalo, Mark Herras, Ken Chan, Arra San Agustin at marami pang iba.

Samantala, kahit super busy ng kanyang girlfriend na si Carla Abellana, sinisiguro nilang meron pa rin silang quality time para sa isa’t isa.

“Yeah, of course, kailangan ‘yun. That’s part of the equation. Like last week, nu’ng kadarating ko lang dito from the States, nag-report ako sa taping then same day they released me para makapanood kami ni Carla ng Katy Perry concert. So, the most important thing here is, we make it work,” ani Tom.

Read more...