HABANG sinusulat ang balitang ito ay wala pa ring announcement kung pasok na si KZ Tandingan sa final round ng pinakamalaking singing contest sa China na Singer 2018.
Kamakalawa, muling pinabilib ng Asia’s Soul Supreme ang Chinese audience nang muli siyang mag-perform sa Singer 2018 para sa “Breakout” o wildcard episode ng programa.
Dito kinanta ni KZ ang classic Freddie Aguilar hit na “Anak” sa original Tagalog version nito na sinundan ng Mandarin lyrics. Tulad ng inaasahan, napanganga muli ng Pinay singer ang studio audience sa kanyang superb performance with “Anak”.
Ang mananalo sa “Breakout” round ay siyang lalaban sa grand finals sa April 13. So, sana nga makaabot si KZ sa huling round.
MOST READ
LATEST STORIES