Ate Guy tumanggap ng bagong serye pero may kundisyon

NORA AUNOR

OO nga naman. Hindi na bumabata ang nag-iisang Superstar. Sa darating na Mayo ay sisenta’y sais anyos na siya. Magkaedad lang sila ni Congresswoman Vilma Santos.

At kapag nagkakaedad na, siyempre’y kakambal na nu’n ang paghina ng resistensiya, madalas na pagkakasakit, pagtaas ng blood pressure, at kung anu-ano pang nararamdaman na dala ng pagkakaedad.

‘Yun ang dahilan kung bakit sa ginagawang serye ngayon ni Nora Aunor ay malinaw ang pinag-usapan nila ng mga tagapamahala ng palabas. Magsisimula siyang mag-taping nang alas sais nang umaga at ang kanyang pack-up ay alas diyes nang gabi.

Maganda nang usapan ‘yun. Maaga si Nora sa set, rorolyo na agad ang mga camera kapag nasa set na siya, kukunan ang lahat ng kanyang mga eksena para makapag-pack-up siya nang alas diyes nang gabi.

Pagkatapos ng kanyang trabaho ay si Nora Aunor na ang may hawak ng kanyang oras. Siya ang responsable kung paano niya ‘yun gagamitin para kinabukasan ay makapag-report uli siya sa kanyang trabaho nang alas sais nang umaga.

Read more...