KASAL na lang talaga ang kulang sa relasyon nina LJ Reyes at Paolo Contis.
Palaging sinasabi ng magdyowang Kapuso stars na ipinagdarasal nila lagi na mas patatagin pa ang kanilang pagsasama at sana’y natagpuan na nga nila ang “forever” sa piling ng isa’t isa.
Nakachikahan namin si LJ kamakailan sa set ng bagong serye ng GMA, ang suspense-drama na The Cure, at dito niya naikuwento ang napaka-memorable na Holy Week vacation nila sa Japan kasama ang anak niyang si Aki.
“Oo, magkasama kami sa Japan. Buong family ko kasi yun, eh. Matagal kasi kaming hindi nakapag-trip ng family ko kasi nagka-babies yung mga ate ko so nahihirapan mag-out of the country trip together.
“So, ngayon na lang ulit, tapos sinama ko siya (Paolo). So, first time niya nakasama yung buong family ko, as in isang bus kami. Ang sasaya nga ng mga bata, ang gugulo. Ang pinuntahan namin Sapporo saka Tokyo.
“Kasi Tokyo for Disneyland para sa mga bata. Tapos ayun kahit yung mga times, mga parts na pinuntahan namin na for adults na like Beer Museum ganyan, kasama pa rin yung mga bata at masaya naman sila,” kuwento ng award-winning Kapuso actress.
Eh, kayo ni Paolo masaya ba? “Masaya naman. Oo. Masaya naman kami.”
Hindi pa ba nag-propose si Pao? “Naku, hindi pa po. Saka huwag nating madaliin. Natataranta ako sa mga tanong n’yo! Ha-hahaha! Basta enjoy lang kami ngayon.”
Hilig talaga nila ni Paolo ang mag-travel,
“Oo, kasi feeling ko siguro dahil din sa work namin na siyempre eto, yung taping namin minsan isang buong araw. Tapos kapag may soap ka, every other day. Sobrang busy yung feeling and parang we owe it to ourselves na makapagbakasyon, makapag-refresh para pagbalik mo sa trabaho energized ka uli.”
“Saka si Aki din busy na rin siya with school so pag may chance alis talaga kami. Grade 3 na siya sa pasukan and he’s turning 8. Imagine, may Grade 3 na ako! So, since busy din siya with school we take advantage of every opportunity na kunyari may sembreak o ngayong summer vacation, nagme-make time talaga kami for Aki,” sey pa ni LJ na gaganap na isang biologist sa The Cure.
q q q
Isa siya sa mga doktor na naghahanap ng gamot para sa isang virus na kumalat sa isang lugar sa Pilipinas na kapag nagkaroon ka nito ay para kang magiging “zombie” dahil hindi mo na makontrol ang katawan at utak mo.
Naniniwala si LJ na isa na ang The Cure sa pinakamalaki at pinakamahirap na seryeng nagawa ng GMA dahil sa tema at lawak ng scope nito. Excited din ang Kapuso star na makatrabaho ang ilan sa award-winning actors sa bansa, kabilang na ang mga best actress ding sina Jaclyn Jose, Irma Adlawan at Jennylyn Mercado. Isama pa sina Tom Rodriguez, Jay Manalo at Ken Chan.
“With Tita Jane (Jaclyn) on board, si Jen, si Tita Irma and the other members of the cast, siguradong hindi kami mapapahiya sa manonood. And si Tom na grabe rin ang effort dito lalo sa mga stunts. Yung parang, ‘Oh my God! Talagang gagawin niya yan!?’ Then yung mga buwis-buhay na fight scenes nila ni Jay.
“Actually kahit si Tita Jane, may mga delikado ring eksena rito. One time nga parang nalaglagan siya ng something habang kinukunan ang eksena, pero siyempre it happens lalo na pag di mo na ma-control yung mga nangyayari sa physical and action scenes,” paliwanag pa ni LJ.
Ipinagmalaki rin ni LJ ang magic ng tambalang TomJen na tiyak na mamahalin din ng viewers. Aniya, “Sa totoo lang pag nakikita ko sina Tom at Jen, ang tindi rin ng chemistry. Tapos maiisip ko ay may Dennis Trillo pala, ay may Carla Abella pala. Ha-hahaha! Ako talaga yung nakalimot.”
Nagpapasalamat din si LJ na binigyan uli siya ng chance na makatrabaho si Jennylyn, bata pa raw sila pareho ng Kapuso Ultimate Star noong huli silang magkasama sa programa ng GMA.
“It’s been a long time since last na nagka-work kami. Bata pa kami pareho nu’n. Noong nakita ko nga ang mga anak namin, sabi ko, ‘Ay ang laki na ni Jazz.’ Tapos nakita din niya si Aki sabi rin niya, “Oh, ang laki na ni Aki!’ Nakakatuwa lang kasi pareho na kaming mommy ngayon,” chika pa sa amin ni LJ.