Sara Duterte, Alvarez nag-shake hands

Nagkamay sina Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte at House Speaker Pantaleon Alvarez sa isang dinner ng mga kaalyado ng administrasyon sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City kagabi.
    Dumalo si Pangulong Duterte sa post birthday celebration na inorganisa ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at kanyang misis na si Wen.
    Sinabi ng alkalde na sinabihan siya ng kanyang ina na maging mabuti kay Alvarez at sinabihan ng kanyang ama na huwag magkimkim ng galit dito.
    Nakaharap ng mayor si Alvarez habang naglalakad kasama ang kanyang ama upang batiin ang mga bisita.
    Katabi naman ng mayora sa presidential table si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
      Nagbigay ng speech ang Pangulo at pinangunahan ang pagkanta ng Happy Birthday kay Arroyo na nagdiwang ng kanyang ika-71 kaarawan noong Huwebes.
    Nang magkausap ang dalawa, sinabihan ni Arroyo si Duterte na sabihan si Alvarez na wala siyang ambisyon na maging speaker.
    Nauna ng napabalita na napipisil si Arroyo na maging kapalit ni Alvarez matapos nitong makainitan si Mayor Duterte.

Read more...