ALIW na aliw ang fans ni Jodi Sta. Maria sa kanyang dual character sa Sana Dalawa Ang Puso.
Hindi nila alam kung paano nagagawa ni Jodi maging si Lisa, the sosyal woman and Mona, the palabang mahirap character.
Sa sobrang aliw nga ng isang fan ay tinawag siyang Sandra Bullock of the Philippines na kayang-kayang magdrama, mag-comedy at magpakilig.
“Sobrang nag eenjoy ako sa show ni Jodi Sta. Maria sa umaga. Is she our very own Sandra Bullock?”
“Mahirap talaga magpanggap Mona pag sa Pamilya muna ang kaharap mo.”
“Aliw na aliw ako sayo Mona @JodiStaMaria ang galing mo talaga. Ang hirap pagsabayin ang Lisa at Mona pero natural lang kahat para sayo. S2PLoveIsInTheAir.”
“Paano mo nagagawang maging 2 characters in 1 scene? Amazing!”
“Ms. Jodi! I love ur character as Mona and Lisa lalong nakakaexcite panoorin.”
In recent episodes ng Sana Dalawa Ang Puso ay napasok sa matinding pagsubok si Mona dahil pinagpanggap siya ni Lisa na siya. Muntik-muntikan na siyang mabuking dahil ‘yong mga nuances ng character ni Lisa ay hindi niya ma-perfect.