ALDEN Something should walk his talk.
In his last interview kasi, walang kagatol-gatol na sinabi ng binata: “Ang talagang ang nagpapa-humble lang sa akin is ‘yung dasal at paglingon ko sa mga taong tumulong sa akin sa simula na hindi ko kinakalimutan hanggang ngayon.
“Aminin naman natin at sa hindi, ‘yung iba po talaga minsan, pag nararating ‘yung certain status dito sa showbiz, minsan kinakalimutan ‘yung mga tumulong sa kanila. Siguro ‘yun ‘yung isa sa mga bagay na nagbabalik sa akin sa dating Richard Faulkerson Jr.”
If that should be the basis of his humility, bakit hindi siya nagre-reach out kay Dudu Unay, the guy who told his manager-manager-an Lites na merong audition para sa leading man sa teleseryeng Alakdana years back.
Dahil kay Dudu ay nag-audition si Alden and that started his acting career. Ang sinasabi niyang manager ay wala naman yatang nai-book na acting or TV assignment sa kanya matapos siyang maligwak sa StarStruck years back.
It was Dudu pa nga who delivered his script sa Laguna where he lives. That time, magkasundo pa sina Lites at Dudu. Kasama pa si Dudu sa mga taping ni Alden at maging sa presscon ng Alakdana. Until Alden unfollowed Dudu sa Facebook.
Nang masulat namin ang pag-abandona ni Alden kay Dudu, nag-text si Lites kay Dudu saying na naging agent lang nila ito. Sinabi pa ni Lites na ipinahanap ni Alden si Dudu. Tell it to the marines. Ang daling hanapin ni Dudu. I-type lang ni Alden ang Dudu Unay ay makikita na niya ito sa Facebook.
So, nasaan na ang statement ni Alden na “ang paglingon ko sa mga taong tumulong sa akin sa simula na hindi ko kinakalimutan hanggang ngayon.” It has been, what, three years na pero hindi pa rin mahanap ni Alden si Dudu. How funny, right?