Regine: Ako lang ang may kayang mag-sing and dance! Bakit ayaw n’yong maniwala?!

JULIE ANNE SAN JOSE, REGINE VELASQUEZ-ALCASID AT CHRISTIAN BAUTISTA

DADAYO sa Dagupan City, Pangasinan sina Regine Velasquez, Julie Anne San Jose at Christian Bautista para sa second leg ng concert nilang “3 Stars, 1 Heart”, na una nang dinumog sa first leg nito na ginanap sa Cebu City.

Isasabay sa selebrasyon ng Bangus Festival sa Dagupan ang concert na magaganap sa CSI Stadia, sa April 14 mula sa GMA Entertainment Content Group at GMA Regional TV.

Ngayon lang nakasama ni Songbird sina Christian at Julie Anne sa concert, pero alam na niyang magagaling na singers ang dalawa kaya solved na solved siya sa idea nang sabihin sa kanya ang konsepto ng kanilang concert.

“They are wonderful to work with. They’re both very, I am impressed with both of them and I’m also. Actually nu’ng nag-run through kami sa Cebu, humanga lang ako kasi pinapanood ko lang sila, eh.

“They’re very good! They sound really well. You’re voice is so beautiful, Christian! Parang ‘yung sinasabi ni Ate rito kanina na kinikilig kang mag-isa! Ganoon siya. Kikiligin ka sa boses niya!

“Plus Julie of course, is such a great performer! Wonderful singer. It’s hard to both sing and dance! I’m the only one who can do that! Parang ayaw niyong maniwala? Ha! Ha! Ha!

“Plus she has this powerful voice! Kung ako lang, I would encourage her to sing more! Sing the songs she wants to sing as she gets older, they get harder! Sing any song kahit hindi mo genre, try it anyway!

“Just sing more, sing other genre, kasi ang galing-galing niya! Matutuwa kayo sa kanya sa show at si Christian. Pogi pa! Yehey!” payo ni Regine kina Christian at Julie Anne sa mediacon ng “3 Stars, 1 Heart” kahapon.

Read more...