Payatolang female celeb nakatakas na sa istriktong magulang

PINAGKUKUWENTUHAN ng kanyang mga kasamahang artista at ng production staff ang isang pamosong female personality na parang palaging gutom na gutom kapag dumarating sa kanyang trabaho.

Pagbaba ng kanyang bag ay agad nang magtatanong ang girl, “May catering na?” ‘Yun ang unang tanong niya, meron na bang pagkain sa set, puwede na kaya siyang kumain?

Kuwento ng aming source, “Nagtatanungan nga ang mga kasamahan niya kung hindi raw ba siya kumakain muna sa house nila bago siya mag-report for work? O kaya, ni hindi man lang kaya siya nagpapabili ng kahit ano lang sa PA at driver niya habang bumibiyahe sila para hindi siya magugutom?

“Ang nakapagtataka pa, ganu’ng ang lakas-lakas niyang kumain, e, napakapayat pa rin naman niya.

Meron kaya siyang mga bitukang pinaglalagyan ng mga kinakain niya? E, para siyang karpintero kung kumain, ang lakas-lakas, saan kaya niya ini-store ang mga kinakain niya?” unang chika ng aming impormante.

May pagkakuring din kuno ang female personality, manang-mana siya sa kanyang pinagmanahan, ganu’n din kuno kainuyat ang kanyang mommy.

“‘Yung dating kasambahay nila na nagtatrabaho na ngayon sa isang female personality mismo ang nagkuwento na napakakuripot ng mommy ng girl!

“Sa umaga, tigdalawang pandesal lang pala ang kinakain ng mga kasambahay nila, wala pang palaman, isinasawsaw lang nila sa kape ang tinapay. Hanggang anong oras ba gagana ang powers ng dalawang pandesal sa agahan?

“Kapag humihingi ng pamalengke ang naka-assign sa kusina nila, e, agad nang magtatatalak ang mudra, bakit daw wala na naman silang pagkain sa ref, bakit ang bilis-bilis daw maubos?

“Ganu’n katindi ang kakuringan ng mommy ng female personality. Lahat, nakalista, lahat ng inilalabas ng mga kasambahay sa ref, kailangang alam niya,” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Pero may katagalan na rin daw na hindi na masyadong naghahanap ng lafang ang female personality, parang kumakain na muna siya bago umalis ng bahay, kaya hindi na siya masyadong mukhang gutom.

“Kasi nga, e, nakahiwalay na siya ngayon sa family niya, may buhay na siyang sarili ngayon, marami na siguro silang lafang sa housing authority nila. Hindi na siguro takal na takal ang lafang niya, unlike nu’ng nandu’n pa siya sa bahay nila na lahat, e, binubusisi ng mommy niya!

“Ayun tuloy, ang payat-payat niya, pati ang sister niya, parang kawayan din sa kapayatan! At endorsers pa sila ngayon ng mga pagkain, ha?” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na, kilalang-kilala n’yo kung sino ang female personality na ito na may madir na mas kuring pa kesa sa kanya!

Read more...