Para sa may kaarawan ngayon: Wag madaliin ang lahat, hayaan mo lang maganap ng kusa ang mga bagay-bagay. Sa pinansyal at pag-ibig, wag mawalan ng pag-asa, gumagawa talaga ng sariling paraan ang tadhana upang kusa kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 16, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Just go with the flow.” Yellow at black ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19)—Disiplinahin ang sarili! Sa pinansyal kung marami kang bisyo, paano ka uunlad? Sa pag-ibig, sumunod sa mungkahi ng kasuyo upang lalo pang lumawig ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 12, 27, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at blue ang buenas. Taurus – (April 20-May 20)—Kahit na maraming problema, isa lang ang solusyon: “Magtiwala sa iyong kasuyo!” Sa ngalan ng pag-ibig, kusang uunlad ang kabuhayan, kasabay ng paglago ng isang romantiko at pang habang buhay ng pagmamahalan. Mapalad ang 6, 12, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Violet at white ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)—Hindi ka magiging maligaya kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Sa pamamagitan ng rason at isip ka uunlad. Magkakapera ng malaking halaga kung pananatiliin ang pagiging materyoso. Mapalad ang 7, 13, 23, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Om.” Silver at black ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag hayaan manaig ang takot at kakulangan ng oras. Gumawa ng paraan upang mapaligaya ang sarili at ang kasuyong Capricorn. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng maraming pera basta’t lagi mo lang paiiralin ang lakas ng loob. Mapalad ang 2, 7, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Om.” Green at beige ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)—Unahing kumbinsehin ang mga taong nakapaligid sayo, kikita ka ng malaking halaga sa kanila. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang value. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Gold at pink ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)— Magkakaroon ka ng kakaibang kaugnayan sa bagong kakilala. Mag-ingat sa isang immoral na relasyon. Sa pinansyal, ibuhos ang buong pagtitiwala sa sariling kakayahan upang ikaw ay yumaman. Mapalad ang 8, 14, 19, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jaya-Ritum-Aum.” Violet at blue ang buenas. Libra – (September 23-October 23)—‘Wag maging isip bata. Sikapin maging matured sa aspetong pang-emosyon upang lmigaya. Sa pananalapi, ang ibig sabihin ng “financial maturity” ay simple lang, unahin ang pagse-savings bago gumastos. Mapalad ang 1, 6, 19, 28, 30, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Maroon at pink ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)—‘Wag mong gawing kumplikado ang buhay. Sa pag-ibig, manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Taurus. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at silver ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tanggalin sa isipan ang pagdududa. Ang negatibong isipan ay alang idudulot namaganda. Sa pinansyal, kung hindi naging okey ang pasok ng pera ngayong Hunyo, umasa kang sa buwan ng Hulyo may darating na mas malaking halaga. Mapalad ang 6, 13, 22, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Una-Aum.” Lilac at violet ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig may suwerteng hatid ang isang Virgo wag mo na siyang pakawalan pa. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain sa halip mag ipon ng mag-ipon hanggang sa dumami ng dumami ang savings. Mapalad ang 5, 17, 24, 44, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.” Purple at yellow ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, gumawa ng bagong gimmick na ikasasaya ng iyong kasuyo upang wag manatiling boring ang relasyon. Sa pinansyal, isang inobasyon ang kailangan upang mapalaki ang kinikita. Mapalad ang 4, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Certum-Est-Om.” Beige at white ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)—Itigil ang sobrang bait. Alalahaning ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung tangtanggalin na ang mga taong sumasamantala sayong mabutig ugali. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at yellow ang buenas.