Alta presyon, kadalasan kagagawan natin

NAKARAMDAM ka ng pagsakit sa batok na may kasamang pagkahilo, bumilis ang tibok ng puso at naghabol ng paghinga. Marahil naisip mo ay inaatake ka ng “High Blood”. Ito yung madalas na itawag sa isang kondisyon ng katawan kung saan ang “Blood Pressure” ay mataas, o “Hypertension”.

Posibleng tama ka ngunit mas malaki ang tsnan na di tugma ang nararamdaman mo sa totoong kalagayan mo dahil ang sintomas mo ay maaring sintomas ng ibang sakit.
Ang “blood pressure” ay isa sa mga “vital signs”, kung kaya’t mas maigi na tingnan ang “hypertension” na sintomas lang ng sakit kaysa sa ito mismo ang sakit. Sa ganitong pananaw, mabibigyan ng pagkakataon na malunasan ang Alta Presyon, hindi gaya ng iniisip ng iba na wala itong lunas.

Ano nga ba ang “Hypertension”?
May dalawang klase ito, “Arterial” at “Venous”.
Sa ngayon, “Arterial Hypertension” ang ating pagtutuunan ng pansin. May dalawang numero na nababasa sa nakasulat na “blood pressure”(BP), halimbawa 120/80 mmHg. Ang unang numero ay ang “Systolic BP (SBP)” na nag papakita ng lakas ng pagtibok ng puso at ang ikalawang numero ay ang “Diastolic BP (DBP)”, na nagpapahiwatig naman kung gaano kasikip ang mga ugat (vascular resistance).
Kinukuha ang pagsukat nito sa pamamagitan ng isang aparato na tinatawag na “Sphygmomanometer”, at ginagawa ito kung ang tao ay nakapahinga ng mahigit na 15 minuto. Kadalasan, ang pagsukat ay ginagawa sa umaga, pagkagising pa lang. Normal ang nakasulat na halimbawa. Masasabing alta presyon na kapag nakakuha ng “SBP” na 140 mmHg pataas at “DBP” na 90 mmHg pataas.

Marami ang dahilan ng Alta Presyon. Babala ito ng sakit sa puso (Heart), sakit sa bato (Kidneys), sakit sa “Endocrine System”, sakit sa utak (Brain), at sakit sa mga ugat (Blood vessels).
Maaring makapagpalala ang sobrang takaw sa asin at tubig, sa pagkahilig sa mga matatabang pagkain at sobrang matatamis na pagkain.
Nakakapagdala ng Alta Presyon ang sobrang katabaan (Obesity). Subalit’ sa 90% ng pagkakataon, hindi maliwanag ang dahilan, isang kondisyon na tinatawag na “ESSENTIAL or LABILE HYPERTENSION”.
Kapag natukoy ang tunay na dahilan ng isang karamdaman, madali lang itong mabigyan ng karapatdapat na lunas, kaya ang 10% ng kondiyon na ito na maliwanag ang dahilan ay maaring malunasan ng lubusan o bahagya lamang.
Kadalasan, ang gamutan ay ibinibigay lamang para manatili na kontrolado o “stable” ang “blood pressure”, dahil ang mga sakuna gaya ng “heart attack” at “stroke” ay nagyayari sa mabilis na pagtaas at pagbaba nito

(Editor: Abangan ang kasunod na bahagi sa Biyernes)

 

 

 

Read more...