Winwyn Marquez bagong ‘babae’ sa buhay ni VhongNavarro


FULL-PLEDGED leading lady na ang beauty queen na si Teresta Ssen (Winwyn Marquez). Siya ang bagong babae ni Vhong Navarro sa untitled movie ng Regal Entertainment na sinimulan na ang shooting nitong nakaraang araw.

Of course, hindi na bago kay Teresita ang umarte sa harap ng kamera. But this time, ibang level naman ang awra niya dahil lead actress na siya’t Comedy Prince pa ang katambal, huh! Buti na lang tatay niya si Joey Marquez, huh!

Isa ang pelikula nina Vhong at Teresita sa mga pelikulang ginagawa ngayon ng Regal.

On-going na ang shooting ng barkada movie na “Walwal” ni direk Joey Reyes at tinatapos na rin nila ang “My 2 Mommies” nina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff at Maricel Soriano mula sa direksyon ni Eric Quizon. Ito’y magsisilbing Mother’s Day presentation ng Regal sa May 9.

Read more...