John Lloyd nagpakalbo, inunahan na ang pagtaas ng hairline at pagnipis ng buhok

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

PARA maiwasan siguro ang patuloy na pagtaas ng kanyang hairline ay nagpakalbo na lang si John Lloyd Cruz. Kesa nga naman sa mainis siya tuwing humaharap sa salamin ay mas maganda nang tanggalin niya ang dahilan ng kanyang pagkainis.

Kahit naman nu’n ay marami nang nakakapansin sa kanyang hairline, pataas na ‘yun nang pataas, na ang ibig sabihin ay papunta na ‘yun sa pagnipis ng kanyang buhok na pauwi na sa pagkakalbo.

Nagagawan naman ng paraan ng kanyang hairstylist ang hindi masyadong pagpuna sa kanyang mataas na hairline sa TV at pelikula, pero mas maraming pagkakataong kapansin-pansin na talaga ang pagnipis ng kanyang buhok, kaya ang ginawa ni Lloydie ay nagpakalbo na lang siya.

Pero buhok lang naman ang nagbago sa aktor, ang kaguwapuhan niyang kinakikiligan ng buong bayan ay nandiyan pa rin, ang hinihintay na lang ng mas nakararami ay kung kailan siya haharap sa mga camera.

Napakahaba na nga naman ng pamamahinga ni JLC, hindi na simpleng pahinga ang ilang buwang pagkawala sa gitna ng aksiyon, marami nang nasasabik sa kanyang pagbabalik.

Ninanamnam pa rin niya ang tahimik na buhay, ang kapribaduhan nila ni Ellen Adarna, ilang tulog at gising na lang mula ngayon ay darating na ang munti nilang anghel.

Kalbo man ay guwapo pa rin si Lloydie!

Read more...