Gimikerong male personality enjoy na enjoy sa ‘gay scandal’


SA halip na mainis ay parang proud na proud pa ang isang male personality na ikinakabit ang kanyang pangalan sa mga aktor na pinagdududahan ang kasarian. Wala siyang pakialam.

Ayon sa aming mga impormante ay sige-sige lang siya, go lang nang go, wala siyang keber kung napag-uusapan lang siya dahil sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa mga sikat na personalidad.

Kuwento ng isang source, “Naku, proud na proud pa nga siya kapag ganu’n, hindi siya nahihiya! E, kung nahihiya siyang ma-link ang name niya sa mga male personalities na questionable ang gender, e, di sana, umiiwas na siya, di ba?

“Pero hindi! Mas nagpapakita pa nga siyang kasa-kasama ang mga friends daw niyang kinukuwestiyon ang gender! Sa gym na lang. Puwede naman siyang mag-gym na mag-isa lang, pero dumarating siyang kasama ang guwapong male personality na nu’n pa inili-link sa kanya!

“Di ba naman papansin talaga ang male personality na ‘yun? Ine-enjoy niya ang mga kuwentong kinasasangkutan niya, sa totoo lang!” simulang reaksiyon ng aming impormante.

KSP rin daw ang male personality, kulang sa pansin, kaya kapag nasa mga pampublikong lugar siya ay kung anu-anong gimmick ang kanyang ginagawa.

“Madrama siya, KSP talaga, namumuhunan talaga siya para mapansin lang! Nu’ng minsang punuan ang isang food chain, umorder siya ng dalawang coffee, e, siya lang naman ang mag-isang pumasok du’n!

“Nu’ng hawak na niya ang tray, kunwari, e, natapon ang isang coffee na inorder niya, bumagsak siyempre sa floor, di ba? Sorry siya nang sorry, kaya napansin siya ng mga nasa food chain. May nagsabi, ‘Ay, si ____ (pangalan ng papansing male personality) pala ‘yun!’ Naku, enjoy na enjoy siyang pinakikinggan ang mga ganu’ng comment ng mga nakakapansin sa kanya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, suki siya sa pagkaka-link sa mga male personalities na pinagdududahan ang gender. Kumuha muna kayo ng gitara, strum muna kayo, para madali n’yong mahulaan kung sino ang KSP na ito!” pagtatapos ng aming source.

Read more...