Glaiza ‘superhero’ ng mga kababaihang inaapi; Gabby gustong ipabugbog sa loob ng kulungan
HINDI man lumabas ng bansa ngayong taon, isang simple pero naging meaningful naman ang paggunita ni Gaiza de Castro sa nakaraang Holy Week.
Kasama ng Kapuso acttress ang kanyang BFF na si Angelica Panganiban at ang komedyanteng si Ketchup Eusebio na nagbakasyon last week. Obvious na masayang-masaya naman ang dalaga sa kanyang Holy Week vacay base na rin sa mga Instagram photos nilang magkakaibigan.
Samantala, patuloy pa ring pinag-uusapan ang kontrobersiyal na karakter ni Glaiza sa afternoon series ng GMA na Contessa bilang si Bea, ang babaeng inapi na gagawin ang lahat para makapaghiganti sa lahat ng may atraso sa kanya.
Kasisimula pa lang ng programa sa Afternoon Prime ng GMA pero humataw na agad ito sa ratings game, at isa na rin ito sa mga tinututukang serye sa telebisyon tuwing hapon.
Inaabangan na ng mga manonood kung paano maghihiganti si Bea na nakulong nga matapos mapagbintangang pumatay sa kanyang asawa (Mark Herras). Pero hindi basta-basta susuko si Bea para makamit ang hustisya. #Labangoals ang kanyang drama.
Kaya naman ang netizens, puro papuri ang ibinibigay sa napakahusay na pagganap ni Glaiza sa Contessa. Sey ng mga tumututok sa kanyang afternoon serye, kahit ano raw na role ang ibigay sa dalaga ay talagang nabibigyan niya ng hustisya. No wonder, mas tumaas ang respeto ng mga manonood kay Glaiza bilang isang tunay na aktres at isang advocate ng women empowerment.
Samantala, patuloy na umiinit ang mga tagpo sa nangungunang serye sa hapon ng GMA, lalo na ngayong maselan na ang pagbubuntis ni Bea dahil sa pambubugbog ni Angela. Ito’y kagagawan pa rin ni Vito (Gabby Eigenmann) at ng kanyang lover na si Winston (Phytos Ramirez).
Awang-awa kay Bea ang viewers matapos pagtulungan ng mga kapwa inmate sa loob ng kulungan. Puro violent reactions ang nabasa namin mula sa mga netizen na nakapanood sa nasabing episode. Gustung-gusto raw nilang sugurin ang mga babaeng preso na bumugbog kay Glaiza.
At siyempre, halos isumpa rin ng viewers si Gabby Eigenmann bilang kontrabida sa Contessa. Sana raw siya na ang makulong at pahirapan din sa loob ng kulungan. Sana raw ay bugbugin din ito ng mga kilabot na kriminal para maturuan ng leksyon.
O, di ba? Ganyan ka-effected ang mga manonood sa kuwento ng Contessa ni Glaiza. Kasama pa rin dito sina Jak Roberto, Lauren Young, Geoff Eigenmann, Chanda Romero, Tetchie Agbayani, Tanya Gomez at marami pang iba, sa direksyon ni Albert Langitan. Napapanood ang Contessa after Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.